AGAD na itinanggi ni dating Pampanga Representative Mikey Arroyo ang kanyang pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Nanindigan si Arroyo na wala siyang ginawang endorsement ng kahit anong pondo na nagmula sa Special Allotment Release Order (SARO) na inisyu ni dating Budget Secretary Emilia Boncodin noong October 2002 at November 2003.
Tinukoy ng anak ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa istoryang lumabas sa pahayagan hinggil ang P407 million information technology project na idinaan umano sa isa sa kumpanya ni pork scam queen Janet Napoles.
Gayunman, nilinaw ng dating Presidential son na Hulyo 1, taong 2004 siya naging kongresista taliwas sa lumabas na ulat na ginawa ang transaksyon noong 2002 at 2003.
The post Mikey Arroyo umiwas sa PDAF scam appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment