NAG-RESIGN na ang prime minister ng South Korea dahil sa paglubog ng isang pampasaherong barko na pumatay ng 300 katao.
Sa Visayas, halos 10,000 ang namatay sa paglubog ng kanilang mga bayan na hinagupit ng super-typhoon Yolanda.
Libo rin ang namatay sa sakit sa evacuation center sa Zamboanga City.
Syempre, hindi magre-resign si Pangulong Noynoy. Ang pinag-resign niya ay ang chief of police, at sapilitan pa ang resignation niya.
Ayaw ring mag-resign ni Kalihim Mar Roxas. Ang gusto niyang mag-resign ay ang mayor ng Tacloban, na ayaw ring mag-resign.
Nasabit pa si Mar sa insidente sa Wack-Wack sa Mandaluyong dahil uminit ang ulo niya sa isang kawani.
Suspended si Mar sa Wack-Wack pero hindi siya nag-resign.
Ayaw ring mag-resign ni Vitangcol na pinuno ng Metro Rail Transit (MRT) sa kabila ng paratang na panunuhol ukol sa kontrata sa pagbili ng bago ng tren.
Bukod doon ay libo-libong mga pasahero ng MRT ang nagdurusa sa init at haba ng pila dahil sa kapabayaan ng MRT.
Syempre, nariyan din si Ruffy Biazon na noon ay ayaw ring mag-resign sa kabila ng pasaring ni Noynoy, hanggang nagkasabit-sabit na siya at napilitang mag-resign.
Syempre, nariyan din ang mga senador at mga congressman, at kasama na rin si Proceso Alcala ng Agriculture at National Food Authority na sabit sa bintang ng pagdarambong at rice smuggling.
Lahat sila, ayaw mag-resign.
Mabuti pa si Prime Minister Chung Hoong-Won ng South Korea.
“I offer my apology for having been unable to prevent this accident from happening and unable to properly respond to it afterwards,” saad niya.
“I believed I, as the prime minister, certainly had to take responsibility and resign.”
The post GAYAHIN ANG PM NG SOKOR appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment