NANINIWALA si Philippine Ambasador to Washington Jose Cuisia na tutuparin ng Amerika ang matagal nang kasunduan sa Pilipinas na Mutual Defense Treaty (MDT) sakaling humantong sa giyera ang pag-aagawan sa ilang isla sa South China Sea.
Sinabi ngayon ni Cuisa, dapat may commitment ang Amerika sa ilalim ng MDT na sasaklolohan ang Pilipinas kung magkaroon man ng gulo sa China.
Ginawa ng ambassador ang pahayag kasunod nang pormal nang lagdaan ng Pilipinas at Amerika sa Enhanced Defense Comprehensive Agreement (EDCA).
Suportado ng House Committee on National Defense ang nilagdaang EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa ilalim ng kasunduan, mabibigyan ng access ang mga tropang Kano sa military camps ng AFP kung saan maaaring maglagay ang US ng mga fighter jets at barkong pandigma.
Ayon kay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng komite, sa pamamagitan ng naturang kasunduan, tiyak na magdadalawang-isip ang China sa pambu-bully nito sa bansa.
Bukod dito, sinabi ni Biazon na masusubok din ang role ng US Government sa peacekeeping partikular sa conflict areas, halimbawa na rito ang territorial dispute sa West Philippine Sea.
Nilinaw naman ni Ambassador Cuisia na ang 10-year defense agreement ay hindi naglalayon na magtayo ng panibagong base militar ang Amerika.
The post Obligasyon ng US na depensahan ang Pinas – Cuisia appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment