HUWAG nang uulitin nina Bobby Yan at G Toengi na hingin ang palakpak sa audience ng Miss Taguig para sa bawat candidates dahil mapapahiya ‘yung walang tili at palakpak. Napaka-insensitive pa ni Bobby dahil nagtanong pa siya kung bakit dalawa lang ang pumalakpak sa isang kandidata? Hindi yata naisip ng mga hosts na ito na sila mismo ang nang-insulto sa candidates. Hindi akma sa pageant ang adlib nila. Dapat sa ganitong pageant ay maging pormal din si G sa hosting dahil ang napanood namin sa kanya ay parang ‘palengkera style’ dahil sa tono niyang pasigaw.
Anyway, pangalawang taon na naming nasaksihan ang Mutya ng Taguig sa imbitasyon ng Taguig PIO Chief na si Lito Laparan. Bukod sa hosts, bongga ang preparasyon, presentation at ginastusan ngayong taong ito na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura. Suportado ito ng city government sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano. 25 barangays ng Taguig ang naglaban-laban para makamit ang titulo.
Mabilis ang konsepto ng pageant. Kakaiba ang opening na isa-isang lumalabas sa entablado ang mga judges sa pangunguna ng dating Ms. Universe Margie Moran-Florendo, Miss. International 1979 Melanie Marquez, Direk Ricky Davao, Direk Manny Palo at ang BB. Pilipinas International na si Mary Anne Guidote.
Gusto rin namin ang ‘Malong Dance’ ng mga candidates bago sila ipakilala. Saludo kami sa director ng pageant.
Ang mga winners sa Mutya ng Taguig ay sina 4th runner-up Jeramie Mae De Vera ng South Daang Hari, 3rd runner-up si Kristel Anne ng Las PiƱas ng Central Signal, 2nd runner-up si Jennahlisa Fernandez ng Bagumbayan, 1st runner-up si Kristine Bianca Quizon ng Lower Bicutan at ang Mutya ng Taguig ay si Ramona Mauricio ng Napindan.
Boom!!!
The post G Toengi, palengkera at pasigaw mag-host! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment