Tuesday, April 29, 2014

MAHUSAY ANG ARMAS

pakurot51 BAGAMA’T sinasabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral, hamak na mas matalino naman siya sa ibang pinuno ng bansa na gamit nga ang utak subalit hindi naman ang puso.


Mas mahusay ang armas na gamit ni Manila Mayor Estrada sa kanyang pagsabak sa pulitika at iyan ay ang kanyang puso para sa mahihirap. Dahil sa malasakit ni Erap sa maliliit ay napalapit siya sa puso ng masa kaya’t hindi matatawaran ang kanyang karisma.


Sa pag-upo ni Mayor Erap sa Manila City Hall noong Hulyo, hindi lahat ng empleyado ay sa panig niya. Marami pa rin ang nasa panig ni dating Manila Mayor Alfredo Lim. Kahit sa hanay ng mga pulis at guro, hindi maiaalis na hindi sila naniniwala sa mga pangako ni Estrada.


Subalit ngayon, unti-unti na nilang minamahal ang dating Pangulo sapagkat alam nito kung sino at ano ang dapat bigyang prayoridad sa kanyang panunungkulan sa lungsod.


Hindi matatawaran ang tulong na ibinibigay ng alkalde sa mga nagtatrabaho para sa kaayusan at katahimikan ng lungsod. Hindi niya minamaliit at sa halip ay kinikilala niya ang ginagawang hirap ng mga pulis upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa Maynila.


Kaya naman, bilang pasalamat, mula sa P1,000 monthly allowance na kanyang ibinalik, ginawa niyang P2,500 bawat buwan ang allowance ng mga miyembro ng Manila Police District. Makatatanggap ang may 2,700 pulis at non-uniformed personnel ng MPD ng P10,000 hanggang buwan ng Abril.


Noong Lunes, bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan, namahagi rin ng bigas si Mayor Estrada sa mga miyembro ng MPD na ipinagpasalamat naman ni MPD director Chief Supt. Rolando Asuncion.


Sa pag-upo ni Asuncion, naglunsad ito ng “all out war against illegal gambling” kaya ang mga pulis na nakikinabang sa sugal ay gutom ang inaabot.


Pasalamat din ang ipinaaabot ng Manila’s Finest sa pagbibigay ng allowance ni Estrada sa mga pulis dahil malaking tulong ito sa kanila lalo na ngayong panahon ng enrollment ng mga bata.


Malamang, hindi lang pulis ang magpapasalamat kay Estrada sa darating na mga buwan sapagkat nangako ito na itataas din ang allowance ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.


The post MAHUSAY ANG ARMAS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAHUSAY ANG ARMAS


No comments:

Post a Comment