Monday, April 7, 2014

PAGKUHA NG WATER PERMIT SA NWRB KAILANGANG IPATUPAD AT MATUPAD

ang inyong lingkod hilda ong MAY mahalagang paalala ang nais iparating ni Dr. Sevillo D. David, Jr., executive director ng National Water Resources Board (NWRB) sa publiko.


Sa pagkakataong ito, ang ahensya ng NWRB ay nananawagan sa mga consumer mula sa mataas na antas ng Publikong Kagawaran pababa sa mga Local Government Unit (LGU), gayundin sa mga pribadong korporasyon na saklaw sa paggamit ng tubig sa ilalim ng sangay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Ang NWRB ay matapat na tumatalima sa itinatadhana ng batas, tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng tubig sa pamamagitan ng unang hakbang, at ito ay ang pagkuha ng water permit.


Upang masiguro kung ang tubig na ginagamit ay naaayon sa batas at sa lahat na ang tuntunin na kailangang ipatupad at matupad.


Kapag may water permit, namo-monitor ng NWRB kung gaano karami ang tubig na dapat gamitin. Kaya dahil dito, magkakaroon ng malasakit ang bawat user ng tubig upang makatipid sa tubig, lalo na’t panahon ng tag-araw. Baka naman kasi sa bandang huli, ay iilan na lamang ang managana sa tubig. Bagkus ang karamihan ay walang permit, kaya walang pakundangan din sa paggamit ng tubig.


Sa kabuuan, marapat lamang na pangunahan ng ating pamahalaan, maging ang malalaking pribadong kompanya ang pagkuha ng water permit sa NWRB para sa makatotohanang pagsunod sa lahat ng itinatadhana ng batas sa isang makabuluhan, matalino at matapat na paggamit ng tubig sa ikabubuti at ikasasagana ng mga tao sa tubig na siyang sumisimbolo ng ating buhay.


The post PAGKUHA NG WATER PERMIT SA NWRB KAILANGANG IPATUPAD AT MATUPAD appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAGKUHA NG WATER PERMIT SA NWRB KAILANGANG IPATUPAD AT MATUPAD


No comments:

Post a Comment