Tuesday, April 29, 2014

2 kelot nagbaril sa sentido sa Maynila

NAGBARIL sa sentido ang dalawang lalaki dahil sa depresyon sa magkahiwalay na lugar sa Maynila kagabi.


Unang itinawag sa tanggapan ng Manila Police District-Homicide Section ang pagkamatay ng biktimang si Mark Roland Soriano, 25, laborer, ng 202 Lallana St. Tondo, Maynila.


Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-6 ng gabi sa rooftop ng bahay ng biktima.


Si Mark ay natagpuan ng kanyang inang si Angelina, 42, sa rooftop ng kanilang bahay na nakaupo, katabi ang ginamit na .38 kalibre ng baril.


Alas-7:30 naman ng gabi nang itawag sa pulisya ang pagkamatay ni Bernardo Sebastian, 62, negosyante, ng 1477 A. Rivera St., Tondo, Maynila.


Nabatid na bed ridden na si Sebastian matapos ma-stroke ilang buwan na ang nakalilipas at posibleng ito ang dahilan ng kanyang depresyon kaya nagpakamatay.


The post 2 kelot nagbaril sa sentido sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 kelot nagbaril sa sentido sa Maynila


No comments:

Post a Comment