UNANG nagprisinta ng isang “fall guy” na kesyo ito raw ang isa sa mga suspek sa pagpaslang sa mediaman na si Rubie Garcia.
Pagkatapos ay nagpalabas naman si Cavite PNP Provincial Director S/Supt. Joselito Esquivel, Jr. na isa sa anggulo na kanilang tinitingnan ay ang pagpa-5/6 ng biktima.
Langyang pahayag mo na ‘yan, Col. Esquivel, lumalabas na kung hindi ka nagpapagago sa iyong mga operatiba ay gusto mong ilihis ang imbestigasyon.
Una, ang sideline noon ni Rubie na “lending” ay matagal na panahon na niyang itinigil.
Baka, bago pa isinilang ang lola mo! Ehek! Mag-imbestiga kang mabuti! King-ina!
At ang hindi maganda sa iyong pahayag, Kernel, dahil ang implikasyon nito ay gusto mong palabasin na hindi “work-related” ang nasabing pamamaslang!
Tuturuan kita, Col Esquivel, para hindi ka mailihis sa iyong mga imbestigatong.
Alamin mo kung ano ang pinag-ugatan ng sagutan nina Rubie at Col. Villanueva ilang araw bago ang pamamaslang sa biktima!
Subukan mo ring amuyin kung ano ang iligal o anomalya na posibleng kinasasangkutan ni Col. Villanueva!
Higit sa lahat, alamin mo kung sino-sino ang mga bilanggo sa Tanza, Cavite bago at pagkatapos paslangin si Rubie, at ipasilip mo sila sa mga saksi!
At habang ginagawa mo ang mga bagay na ‘yan ay itikom mo muna ang iyong bibig! Dahil baka hindi mo nahahalata, naililihis na ninyo ang imbestigasyon mula sa tunay na motibo at salarin ng pamamaslang kay Ms. Garcia!
-o0o-
DAHIL sa hindi matigil na operasyon ng iligal na sugal sa lalawigan ng Rizal, marami sa ating kababayan ang hindi maiwasang magtanong.
Takot ba o patong ang tanggapan ni Rizal PNP Provincial Director S/Supt. Marcillano S. Villafranca sa mga operator ng iligal na sugal sa kanyang erya?
Maliban kasi sa lantarang sugal na lotteng ni Sola ay naglipana rin sa Rizal ang mga peryahan na front ng sugalan at bentahan ng droga o shabu!
Unawa na natin na hindi kayang ratratin ni Col. Villafranca ang lotteng ni Sola dahil milyones ang kubransa nito bawat araw. Ehem!
Pati ba naman ang mga pergalan nina Delma, Toyang, Arnold pilay at Bobby na nasa Montalban, Binangonan at Ibasan ay tinatanggapan na rin, este, kinukunsinti na rin?
Kung aamining tanga kaya hindi niya nalalaman ang mga iligal na ito ay mas masaklap para sa isang Kernel na si Villafranca.
Kaya obligado siya, parekoy, na mamili na lang sa dalawa. Takot o patong sa sugal ang PD ng Rizal?
The post RUBIE CASE INILILIHIS AT RIZAL PD TAKOT O PATONG? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment