Thursday, April 10, 2014

PANSAMANTALANG MAWAWALAN NG TUBIG NGAYONG SEMANA SANTA

ang-inyong-lingkod-hilda-ong6 UPANG masolusyonan ang madalas na pagbaha sa Maynila, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay gagawa ng interceptor drainage box culvert sa may Blumentritt St., Maynila.


Tatama ang flood control project na ito sa linya ng tubig ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa may Juan Luna St. at Hermosa St. kaya kinakailangang ilihis (realign) ng Maynilad ang linya nito.


Dahil dito, magkakaroon ng three-day, two-day at one-day na water service interruption sa ilang bahagi ng Imus, Kawit, Makati, Malabon, Manila, Navotas, Pasay and South Caloocan; at sa kabuuan ng Bacoor, Cavite City, Las Piñas, Muntinlupa, Noveleta and Parañaque, mula Miyerkules Santo (Abril 16) hanggang Sabado de Gloria (Abril 19).


Mangangailangan ang Maynilad ng 72 oras para matanggalan ng tubig (dewater), mailihis at muling mapuno ng tubig ang tubo nito, dahil isa itong primary line na may pitong talampakan (7-foot-tall) na sukat.


Para malimitahan ang mga maaapektuhang customer, pumayag ang DPWH na isagawa ng Maynilad ang pipe realignment activity nito ngayong Semana Santa, kung kailan mas kaunti ang inaasahang mananatili sa kanilang tahanan.


Halinhinan din ang gagawing water service interruption ng Maynilad sa maraming lugar para magkaroon ng pagkakataong mag-ipon ng tubig ang mga apektadong customer.


Magbubukas ng apat na deepwell ang Maynilad para maserbisyohan ang ilang apektadong lugar.


May 60 water tanker din ang nakahanda para hatiran ng tubig ang mga lugar na makararanas ng tatlong araw na service interruption.


Ang kumpletong listahan ng mga maaapektuhang lugar at water interruption schedule ay maaaring i-download mula sa Maynilad website sa http://ift.tt/1gdbnxJ.


Umaapela ang Maynilad sa mga customer nito na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Holy Week water interruption, maaaring tumawag ang mga apektadong customer sa Maynilad Hotline 1626.


The post PANSAMANTALANG MAWAWALAN NG TUBIG NGAYONG SEMANA SANTA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PANSAMANTALANG MAWAWALAN NG TUBIG NGAYONG SEMANA SANTA


No comments:

Post a Comment