SA pagpapatuloy ng pagsisiwalat sa “Bulok na Sistema sa Kapitolyo ng Rizal” ay muli nating bigyan ng daan ang mga karaingang ito ng concerned citizen ng Rizal.
Sir Johnny, maaari ninyong patingnan o paimbestigahan kung may basehan ang sumbong na ito.
Kung kaya ninyong mag-imbestiga, pakitingnan ang mga promotion na na-approve mula January noong nakaraang taon at makikita n’yo ang tinutukoy ko.
Nasabi ko ang mga ito dahil may balak na naman silang palusutin na promotion sa kapitolyo, partikular sa isang opisina na malakas sa Human Resource Management Office (HRMO).
Ayaw ko man isipin, ngunit parang may sabwatan sa pagitan ng boss ng HRMO at ng boss ng tinutukoy kong opisina.
Nakapapasok yata nang direkta sa opisina ng nakatataas ang mga inilalakad na papel ng boss na ito.
Kung magagawan n’yo ng paunang aksyon ang sinabi kong ito ay magbibigay pa ako ng ibang detalye, lalo na kapag nalaman kong napalusot nila ang ‘di magandang gawain nila.
Kayo ang nilapitan ko sa pag-asa at paniniwalang kayo ang dirinig sa aking hinaing at sa problemang kinahaharap ng mga job order na empleyado ng Kapitolyo.
‘Wag sanang ma-promote ulit ang mga wala namang ginagawa at idinaraan lang nila sa papogi, paganda at kuwento ang kani-kanilang accomplishment.(ITUTULOY)
SABLAY ANG CAVITE PNP VS RUBIE CASE
FALL Guy…Sablay ang natimbog ng Cavite PNP sa sinasabing gunman ng lady reporter na si Rubie Garcia.
Kahit kailan, ‘pag pinag-usapan na ang kapakanan ng mediamen, partikular na sa seguridad at hustisya ng mga ito, ay nananatiling unsolved at naka-pending.
Hindi naman siguro bano o mga engot ang kapulisan para hindi nila malutas ang simpleng krimen!!!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post BULOK NA SISTEMA SA KAPITOLYO NG RIZAL (2) appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment