Thursday, April 10, 2014

Rape case ni Vhong binasura ng DOJ, Cedric posibleng makulong habambuhay

NASILIP ng Department of Justice (DOJ) na may probable cause para kasuhan ng serious illegal detention at grave coercion sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Bernice Lee, Simeon Raz, Jeff Fernandez, Fedinand Guerrero at Jose Paolo Calma.


Sa 42-page resolution ng DOJ na may petsang April 4, 2014, malinaw daw na noong January 22 hanggang madaling-araw ng January 23 si Cedric at grupo nito ay hinadlangan ang kalayaan ni Vhong kung saan ito ay pangunahing elemento ng kasong serious illegal detention.


Binugbog din ng grupo ang host at tinakot pa. Malinaw din daw na sapilitang hiningian ng pera ang huli kapalit ng kalayaan nito. Subalit ang lahat ng naturang kaso laban kina Lee ay in-absorbed in illegal detention charge.


Anyway, ayon sa Art. 267 ng Revised Penal Code, reclusion perpetua hanggang kamatayan ang parusa sa nagkasala sa kasong serious illegal detention, at wala rin itong piyansa.


Mabuti na lamang at suspendido ngayon ang death penalty.


Samantalang ang rape case ni Deniece laban kay Navarro ay ibinasura ng DOJ dahil sa kakulangan ng ebidensya. Nagbunyi naman ang Its Showtime hosts at nag-group hug.


“Maraming salamat sa pagmamahal, muling pagtitiwala, at pagbibigay ng second chance. Ayaw ko po mabahiran ng krimen ang aking pagkatao. Gusto ko magpasaya ng tao kahit may pinagdadaanan akong mabigat.


“Siguro nagkasala ako sa girlfriend ko, inaamin ko. Pero naging mabuti akong anak. Ang pagiging mabuti kong anak ay gusto ko ipakita sa mga anak ko,” emosyonal namang pahayag ni Vhong.


***


KASAMBAHAY GUSTONG LASUNIN SI CLAUDINE AT DALAWANG ANAK


MAY bagong tweet si Claudine Barretto tungkol sa umano’y planong paglason sa kanya at dalawang anak na si Sabina at Santino ng kasambahay at sinisisi niya si Raymart Santiago. Humihingi ngayon ng tulong ang aktres para sa kaligtasan nila.


“Please help my children & I. We are not safe. Another employee hired to poison my kids & I. Stop trying to set me up. You are so sick. And for you Mr. Santiago, go keep protecting my family. Sana ganu’n din kayo sa mga kapatid mo sa labas, si Bernadette Calove,” ani Claudine.


Maging sa kanyang Facebook account ay may pinost din si Clau ng mensahe: “Just a few hours ago one of my staff managed to leave this hotel I’m staying in with my kids. Another case against me? Or my time is very near. If these evil people plan to have me set up or killed, pls. not with my kids around. Yes blackmail & inside job with my employees. How many have these people killed literally? Leave us alone!


***


PRODYUSER NG EDNA ALL-OUT


INAABANGAN namin for commercial showing ang indie movie na “Edna” na first directorial job ni Ronnie Lazarro.


Napanood namin ang rushes nito at talaga namang napakaganda, napakalinaw at makabuluhan ang istorya-ginampanan ito ng mga topnotch artists sa pangunguna ni Irma Adlawan, Sue Prado, Nicco Manalo, Mara Marasigan, Kiko Matos, Madeline Nicolas, Joe Gruta, Hermie Concepcion at Frances Makil Ignacio kasama ang direktor na si Ronnie.


Dalawang Alexa cameras ang ginamit sa pelikula at tinapos ito sa loob ng pitong araw sa Tagaytay.


Tuwa-tuwa naman si Ronnie at ang mga cinematographers niyang sina Larry Manda at Arvin Viola, at ang screenwriter na si Lally Bucoy dahil hindi sila tinipid ng producer na si Mr. Anthony V. Gedang.


Ipapasok nila ito sa Cinemalaya sa July at nakapagpadala na rin sila ng kopya nito sa Cannes Festival at agad namang sumagot sa kanila bilang patunay na natanggap nila ito.


‘Yan ang maganda sa katulad ni Mr. Gedang, ang producer na ang pangunahing layunin ay ang makapagbigay ng magandang proyekto na ipagmamalaki ng Pilipinas.


Hindi niya alintana ang gastos dahil aniya, “Hindi naman nila mauubos ang balon ko (pera) kasi malalim. Hahaha! Negosyante ako kaya alam ko at itong pagpo-produce ang next project ko,” pabirong sabi ni Tonet.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Rape case ni Vhong binasura ng DOJ, Cedric posibleng makulong habambuhay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Rape case ni Vhong binasura ng DOJ, Cedric posibleng makulong habambuhay


No comments:

Post a Comment