Thursday, April 10, 2014

Benjamin Alves at Jennylyn Mercado magkasama sa sports

PAREHONG sports ang ginagalawan nina Benjamin Alves at Jennylyn Mercado, ang triathlon kaya sa mga event na sinasalihan nilang dalawa ay nagkikita sila. Kaya marahil ay inili-link sila sa isa’t isa.


Pero pinabulaanan na ito ni Jennylyn sa mga interview sa kanya na may ugnayan sila ni Benjamin. Maaaring nagkasama lang sila sa isang running event. Ang running ay part ng Triathlon.


Kasama rin dito ang event ng swimming at biking na pareho ring kinahihiligan nina Benjamin at Jennylyn. ‘Di raw nanliligaw sa kanya si Ben.


Wala pa rin daw panahon si Jen sa kanyang lovelife kahit 6 months na silang split ni Luis Manzano.


‘Di naman magkasama sina Jen at Ben sa isang soap opera. Si Ben ay katatapos lang ng Adarna, samantalang si Jen ay ongoing pa rin ang Rhodora X na isa sa mataas sa rating game tuwing evening primetime. Balitang extended ang soap until 8 weeks. Kaya matatapos pa ito ng July.


000


MIGGS CUADERNO, PERSONAL CHOICE NI DIREK LOUISE IGNACIO


NANG nakahuntahan namin si direk Louie Ignacio hinggil sa director’s cut entry niyang movie, ang Asintado, very vocal siya sa kanyang title role actor na isang child star.


Ani direk Louie: “Sa akin ang concept ng istorya! Bago ko ipinasulat ang buong screenplay sa writer, naisip ko na agad si Miggs Cuaderno na bagay na bagay sa role na isang autistic na magaling humawak ng tirador. Asintado sa kanyang target ang bata kapag may tinitirador.”


Si Miggs ay kilala na niyang child actor sa GMA 7. Isa nga sa mga host ng programang Tropang Potchie si Miggs. Si direk Louie ang director ng child-oriented game show.


Bukod pa rito, humanga si direk Louise sa dalawang entries ni Miggs sa 2013 Cinemalaya, ang Purok 7 at Quick Change.


Parehong napansin si Miggs sa dalawang movies. Pero mas binigyan ng bigat ng mga juror ng Cinemalaya si Miggs sa Quick Change dahil sa na-nominate siya bilang best supporting actor sa festival awards night.


Samantala, dahil laging nakikita si Miggs tuwing Saturday sa Tropang Potchie, hit ito at ang Kapuso Child Star na si Mona Louise Rey sa kanilang provincial show sa Jaen, Nueva Ecija.


Bukod pa rito, humanga si Mayor Santi Austria kina Miggs at Mona nang mag-perform sa entablado para aliwin ang mga sumalubong fans sa Jaen.


Isinisigaw ng mga tao habang umaawit sina Mona at Miggs na Solid Kapuso sila.


Una kasi nilang napanood sina Miggs at Mona sa Munting Heredera na naging longest-running soap ng GMA 7 na tumagal ng 9 months na idinirek ni Maryo J. delos Reyes two years ago.


Magkasama ngayon sina Miggs at Mona sa bagong soap opera ng GMA 7 bago mag-24 Oras, ang My BFF.


Kasama ring stars sa soap sina Jillian Ward, Manilyn Reynes, Janno Gibbs at bagong tambalan nina Hiro Peralta at Mariel Pamintuan.


The post Benjamin Alves at Jennylyn Mercado magkasama sa sports appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Benjamin Alves at Jennylyn Mercado magkasama sa sports


No comments:

Post a Comment