DAPAT nang ipagbawal ang paniningil ng parking fee sa mga shopping mall, hotel at iba pang kahalintulad na establisyimento.
Isinusulong ito ni Deputy Speaker at Leyte Rep. Sergio Apostol sa kanyang inihaing House Bill 3779.
Nakapaloob sa panukala na ang paniningil ng mga parking fee sa mga commercial establishment ay taliwas sa isinasaad ng Consumers Act na nagpo-protekta sa mga consumers laban sa pag-abuso ng ilang negosyante.
Ayon pa sa panukala ng kongresista na ang mga parking fee kung tutuusin ay dapat na libre dahil ang mga pumaparada naman sa kanilang parking space ay mga customer rin naman nila.
Dapat aniya na ang mga ganito ay dapat na maging bahagi ng serbisyo ng mga nasabing establisyimento.
Sakaling maging ganap na batas, papatawan ng P100,000 hanggang P500,000 ang mga establisyimento na lalabag rito.
The post Paniningil ng parking fee ibabawal na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment