Wednesday, April 9, 2014

E. Visayas, CARAGA at Davao Region, apektado ng LPA

MAKAKAASA ang bahagi ng Mindanao at Visayas ng pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA) sa bansa.


Sa 11 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa karagatan sa layong 470 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, alas-10:00 ng umaga.


Ngayong Huwebes, magdudulot ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pakidlat-pagkulog sa rehiyon ng Caraga, Davao at Eastern Visayas.


Ang LPA na ito ay ang huminang tropical depression Domeng.


Samantala, matapos ang tuluyang paghina ni ‘Domeng’ sa pagiging LPA, inalis na ng Project Noah o Nationwide Operational Assessment of Hazards ang posibilidad ng storm surge sa mga lugar sa bansa.


Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay ng PAGASA sa sama ng panahon dahil nananatili pa rin ito sa karagatan.


Inaabisuhan ang mga mangingisda na may maliliit sa bangka na huwag munang pumalaot.


Pinapayuhan din ang mga residente at lokal na disaster response agencies na patuloy na mag-monitor sa LPA.


The post E. Visayas, CARAGA at Davao Region, apektado ng LPA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



E. Visayas, CARAGA at Davao Region, apektado ng LPA


No comments:

Post a Comment