PINAYUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat laban sa mga mumurahin at hindi rehistradong bottled water na ipinagbibili sa mga lansangan, partikular na sa commuters at motorista na nakaipit sa trapik.
Ayon kay FDA spokesperson Joyce Cirunay, ilan sa mga bottled water na ipinagbibili sa mga lansangan at sa mga sidewalk at mabibili lang sa murang halaga ay hindi dumaan sa FDA.
Maaari naman aniyang matukoy kung rehistrado ang mga bottled water kung may registration number ito sa likod ng plastic container.
Nabatid na ang registration number ay iniisyu ng FDA sa sandaling pumasa sa kanilang
standard ang isang produkto.
Pinayuhan pa ni Cirunay ang mga consumers na bago bumili ng bottled water ay inspeksyunin muna ang packaging nito upang matukoy kung peke ito.
Ilan aniya sa dapat suriing mabuti ay ang takip nito at alamin kung hindi pa sira ang seal dahil maaaring ni-refill lamang ito.
Dapat din aniyang tingnang mabuti ang tubig kung may mga duming lumulutang at busisiin ang integridad ng packaging material.
Nilinaw din naman ni Cirunay na ang mga refilling stations ay hindi pinapayagang magtinda ng nakaboteng mineral water kahit pa regulated sila ng local government units.
The post FDA nagbabala vs bottled water appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment