Sunday, April 6, 2014

MIRIAM TUTURUAN NI FERRER

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB1 MUKHANG lalong malalagay sa balag ng alanganin ang CAB o Comprehensive Agreement on the Bangsamoro dahil sa sinabi ni chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer na kanilang ipaliliwanag kay Senadora Miriam Defensor-Santiago ang nilalaman ng naturang kasunduan.


Tiyak na lilikha ng lalong malaking sigalot ang pahayag na ito ni Coronel-Ferrer dahil mukhang minamaliit niya ang kakayahan ni Defensor-Santiago na isang batikang guro ng batas lalo na sa pagtuturo ng Konstitusyon.


Sa naging pahayag ng pinuno ng government chief negotiator ay tiyak na uusok ang tenga ni Miriam sa sinabi nito dahil lumalabas na tuturuan siya nito ng batas lalo na’t isang guro ng Konstitusyon ang aleng si Miriam.


Maging ang mga ibang legal expert ay sumasang-ayon sa opinyon ni Miriam dahil maraming probisyon sa umiiral na Saligang Batas ang nilabag ng nasabing kasunduan.


Isa na nga rito ang halos pagbibigay ng kasarinlan sa Bangsamoro gayung ang pinapayagan lang ng Konstitusyon sa kasalukuyan ay ang paggawa lamang ng isang rehiyon para sa ikauunlad ng mga mamamayan dito.


Maging ang usapin ng partehan sa kita o income ay lubhang agrabyado ang pamahalaan dahil lumalabas sa kasunduan na 75 porsyento ang mapupunta sa Bangsamoro habang 25 porsyento lamang ang para sa national government.


Itong mga butas na ito ang tiyak na lilikha ng sigalot kapag dumaan na ito sa Kamara at Senado kaya’t tutok lang tayo mga katoto dahil mahaba-haba pang lakbayin ang tatahakin ng pag-unlad ng Mindanao.


Gagawa ang Kamara at Senado ng batas para sa paglalatag ng lokal na pamahalaang Moro sa lugar at isasalang ito sa isang plebisito upang mapagpasyahan ng mga naroroon kung tatanggapin nila o hindi ang pamahalaang Bangsamoro.


The post MIRIAM TUTURUAN NI FERRER appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MIRIAM TUTURUAN NI FERRER


No comments:

Post a Comment