Sunday, April 6, 2014

‘MR. CLEAR’ SI SEN. GUINGONA AT NCRPO BULAG SA SUGAL

burdado-jun-briones24 KUNG paniniwalaan ang asta ni Sen. TG Guingona sa tuwing may hearing ang “Blue Ribbon Committee” ay masasabi natin na siya ay isang “Mr. Clean” o napakalinis. Para bang siya lang, sa buong Senado at sa lahat ng opisyal ng pamahalaan, ang bukod tanging hindi nagnakaw!


Siya lang ang nag-iisang onorabol na hindi nakagawa o gumawa ng mali! Si Sen. TG Guingona lang ang malinis. Lahat marumi, lahat ay nakagawa ng mali at lahat ay magnanakaw!


Kumbaga, si Sen. Guingona lang ang may karapatan na kumuha ng bato at ipukol sa makasalanan gaya ng sinabi ng Panginoong Hesus!


Dahil d’yan, talagang saludo tayo kay TG! Sa pagiging ipokrito niya! Ehek!


Kaya lang, ang anomang pag-aastang malinis nitong si Sen. Guingona ay biglang kumupas nang umangal ang mga senador na miyembro ng Senate blue ribbon committee sa kanyang iniulat na committee report umano.


Dahil nabisto na ni hindi pa naman pala pirmado ng buong committee ang nasabing ulat, kundi ito ay lumalabas na sariling opinion lamang ni Mr. Clean!


Ang tinutukoy nating ulat ay ang pagrekomenda ni TG na sampahan na ng kasong pandarambong sina Senador Enrile, Revilla at Estrada.


Sa totoo, lang parekoy, isa tayo sa mga nagalak nang ipinahayag ng Ombudsman na isasampa na nila ang kaso laban sa mga nabanggit na senador. Kahit hindi na umepal si Sen. Guingona! Huh!


Sandali, parekoy, hindi ba’t tumanggap din ang senador na ito ng P50 milyong piso mula sa DAP, na ayon kay Sen. Jinggoy Estrada ay “suhol” ni PNoy sa mga senador sa kasagsagan noon ng impeachment ni ex-CJ Corona?


Hindi ba tumanggap din ito ng katakot-takot na PDAF na idineklarang illegal at unconstitutional ng Supreme Court?


Tangna! Sandali lang po, Mr. Clean, huwag mo pala munang ipupukol sa iba ‘yang tangan-tangan mong bato. Pakipukpok na lang kaya muna niyan, sir, sa sarili mong ulo! Hak, hak, hak!


-o0o-


SA kawalang aksyon ni NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria laban sa iligal na sugal sa Kamaynilaan, masasabing siya’y bulag o nagbubulag-bulagan!


Kung hindi, eh, bakit naglipana pa rin ang video karera ni Gina Gutierrez at ang “lotteng” ni Boy Abang?


Bakit sikat pa rin ang “pwesto pijo” ni Ombeng sa Bangkusay, Tondo, Manila na area o sakop ng Stn. 1 ng Manila Police Department?


Sina Anna at Perry ay sumisikat na rin bilang may pinakamalaking bookies ng karera sa Presinto 1, 3, 7 at 10 ng MPD.


The post ‘MR. CLEAR’ SI SEN. GUINGONA AT NCRPO BULAG SA SUGAL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘MR. CLEAR’ SI SEN. GUINGONA AT NCRPO BULAG SA SUGAL


No comments:

Post a Comment