Thursday, April 10, 2014

Mga airport sa Pinas, pang world class na

PANG-WOLD CLASS na ang mga paliparan ng Pilipinas.


Ito ang ipinahyag ni Captain John Andrews, Deputy Director General ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang pagkaka-upgrade ng mga paliparan sa Category 1.


Ayon kay Andrews, maliban sa puwede nang lumipad sa iba’t ibang ruta patungo ng Amerika ang Philippine Airlines, mabubuksan na rin ang pagkakataong ito para sa iba pang airlines ng bansa.


Nabatid na pasok na sa Category 1 rating ng Federal Aviation Administration (FAA) ng US Department of Transportation ang Pilipinas.


Inanusyo ito ng FAA matapos ang matagumpay na pagtalima ng bansa sa international safety standards na itinatakda sa International Civil Aviation Organization (ICAO).


Isinagawa ng FAA ang pagsusuri sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Marso 2014.


Huling nakapasok sa Category 1 ang bansa noong Enero 2008. Ngunit ibinaba sa Category 2, na tanda ng kakulangan ng batas o regulasyon para tutukan ang air carriers na sumunod sa international standards o maging depekto sa ilang aspeto ng civil aviation authority nito.


The post Mga airport sa Pinas, pang world class na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga airport sa Pinas, pang world class na


No comments:

Post a Comment