MARIING itinanggi ng militar na may nakumpiska silang P1.5 million sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon nang maaresto sa Cebu noong Marso.
Ayon kay Major General John Bonafos, taktika lamang ng mga komunista ang paratang upang mabalewala ang magandang accomplishment ng AFP nang maaresto ang dalawang wanted na lider ng mga komunistang grupo.
Sinabi ni Bonafos na pirmado nina Nona Castillo at Rex Villaflor, dalawa sa mga naaresto ring kasamahan ng mga Tiamzon ang inventory receipt ng mga nakumpiska nila na kinabibilangan ng mahigit sa P23,000 sa dalawang sasakyan na Toyota Innova at Hyundai Starex.
Una rito, inilabas ng grupong Bayan ang statement umano ng mag-asawang Tiamzon hinggil sa mahigit P1 milyon na ibibigay nila sa mga biktima ng bagyong Yolanda subalit kinumpiska ng militar nang sila ay arestuhin.
The post P1-M ng Tiamzon couple itinanggi ng militar appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment