PATAY na nang matagpuan ng kanyang pamilya ang dating manager ng Penbank Surallah branch sa kanilang bahay kubo kagabi.
Kinilala ang biktima na si Ronny Soubiron, 45, ng Purok Tony Ko, Barangay Zone 3, Koronadal City.
Ayon sa Koronadal City PNP, isang Ronnie Salvador na manager ng Papa Roni’s ang tumawag sa police station upang ipaalam ang nangyari sa biktima.
Sa imbestigasyon, lumalabas na uminom ng pestisidyo ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Natagpuan pa sa tagiliran nito ang basong ginamit ng biktima sa pagpakamatay.
Napag-alaman na pangalawang attempt na ito ng biktima matapos agad naisugod sa ospital noong una.
Posibleng depression ang dahilan ng pagpapakamatay nito.
The post Manager ng bangko nagpakamatay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment