MALAPIT nang lumipat sa bagong bili na bahay at lupa niya si Sunshine Cruz. Pero ayaw raw sabihin ni Sunshine kung magkano ang halaga ng nabili niyang property.
Mula sa naipong kita niya sa sunud-sunod na raket niya sa showbiz ang ipinambili ni Sunshine. Pero kapos daw ‘yun kaya nanghiram pa siya ng pera sa kanyang ina para makumpleto ang kabuuan ng bayad sa bahay at lupa.
Sa bandang Parañaque nakabili ng tirahan si Sunshine kung saan malapit sa bahay ng kanyang ina at mga kapatid. Para raw madali siyang nakapupunta sa kanyang ina at ganyundin ang kanyang magulang at mga kapatid sa kanya.
Kasamang titira bahay ni Sunshine ang tatlong anak na babae nila ni Cesar Montano. Naayos na rin daw ni Sunshine ang lilipatang exclusive school ng kanyang mga anak malapit sa bagong bili niya na bahay para sa kanila.
-ooOoo-
NI-REVEAL mismo ni Direk Chito Roño na hanggang ngayon ay may trauma pa rin ang alaga niya at komedyanteng si Vhong Navarro mula sa pambubugbog na sinapit niya. Sinasabi raw ni Vhong sa kanya na meron pa ring takot ang komedyante sa taong hindi niya kilala.
“Kasi baka raw tauhan ni ganoon, ni ganito, gumaganoon siya, e. Hindi niya kasi mga kilala ‘yung mga taong ‘yun, e. ‘Yung mga galamay, ‘yung ganoon. May takot talaga siya,” kuwento ni Direk Chito.
Pero tumigil na raw ang pagdating ng death threats kay Vhong through text.
“Oo, meron naman talaga ‘yung may threat sa kanya. Nabasa ko ‘yung mga text sa kanya, e. ‘Yung sa text ‘yung mga papatayin, ‘yung ganoon. Ngayon, tumigil na. Kasi nga lumabas na, na tini-threat siya at nakuha na ng NBI ‘yung mga text nila, e. Hindi pa nilalabas ng NBI pero nandodoon talaga ‘yon,” pahayag pa niya.
Dahil d’yan kaya kumuha sila ng security for Vhong. Ayaw naman sabihin ni Direk Chito kung sino ang nagbabayad ng security ni Vhong.
“Secret, tsaring! Hehe.”
Sey namin sa kanya, hindi kaya si Willie Revillame ang nagbabayd ng security ni Vhong. Nabalita kasi noon na nagpadala ng tulong kay Vhong si Willie.
“Hindi, ang alam ko, mabait si Willie. May tinulong si Willie. Hindi ko lang alam kung buo o tumulong. Hindi kasi ako nagtanong, e.”
Pero inamin naman ni Direk Chito na sa isang safehouse nakatira si Vhong ngayon.
-ooOoo-
MUKHANG may chemistry on screen sina Enchong Dee at Liza Soberano.
Nasilip namin ang tandem nila sa teaser ng Maalaala Mo Kaya na mapanonood ngayong Sabado sa ABS-CBN. Sina Enchong at Liza ang magpapakilig sa TV viewers sa programa ni Ms. Charo Santos.
Gagampanan nila ang mga karakter nina Jhonny at Aileen na nagkahulugan ng loob sa kanilang summer job. Tampok rin sa MMK sina Marc Solis, Jon Lucas, Hyubs Alarcon, at Bernadette Allyson. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Czarina Cruz, panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Akeem del Rosario.
Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon, Niña Daynata, at Cathy San Pablo.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.
The post May trauma pa rin ang alagang komedyanteng aktor appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment