Saturday, April 5, 2014

Lumitaw sa acting ang trauma!

INAMIN ni Vhong Navarro na medyo nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili nang mag-shooting siya ulit para sa pelikula niyang Da Possessed pagkatapos nang pambubugbog na ginawa sa kanya sa isang condo. Tao lang si Vhong para ma-trauma sa nangyari kaya medyo lumitaw ito sa acting niya. Kaya kinausap siya nang masinsinan ni Direk Joyce Bernal na dapat maibalik ang dating Vhong na super kwela sa mga tao kung magiging successful ang pelikula nila.


Kaya naman sa tulong na rin ng kanyang mga co-stars sa pelikula na sina Solenn Heussaff, Joey Marquez, Smokey Manaloto, John Lapus, Beverly Salviejo at Joy Viado ay naibalik na rin ang dati niyang masayahing personalidad. At dun nga sa ginawa nila wrap-up party pagkatapos ng shooting nila ay wala nang ginawa si Vhong kundi ang tumawa at magpatawa.


Sa trailer ng Da Possessed ay laugh-a-minute talaga ang mga taong nakakapanood nito. Bumalik na ang dating Vhong na kilala ng mga tao sa past blockbusters niya D‘Anothers, Mr Suave, Agent x44, Supahpapalicious at Bulong.


Good karma rin si Vhong kasi napatunayan na siya talaga ang nagsasabi nang totoo sa kasong kinasangkutan niya. At lubos ang pasasalamat niya sa lahat ng press na sumuporta at kinuha ang side niya sa isyu. Laki rin ng pasasalamat niya sa ABS-CBN na patuloy pa ring tumutulong sa kanya hanggang ngayon sa pagbibigay sa kanya ng isang safe house na matitirhan habang hindi pa natatapos sa korte ang kaso.


Sa Da Posssessed ay ibang klaseng look naman ang pinagawa sa kanya ni Direk Joyce Bernal para maiba sa ibang pelikulang ginawa na niya. Dito ay mala-Jim Carrey ng Dumb and Dumber na movie ang look niya kaya naman nakatatawa na siya sa itsura pa lang niya sa movie.


***


HINDI na umaasa pa si John Lapuz na magkakaroon pa siya ng solo launching movie. Kasi dalawang launching movie niya sana na Dis Guys In Lab With U Pare at Girl, Boy, Bakla Tomboy ay parehong napunta kay Vice Ganda.


Kinakantiyawan nga siya na nadaig pa siya nina Joey Paras at Shalala na meron nang solo launching movies na Bekikang at Echoserang Frog.


Ayaw raw niyang magkaroon ng solo launching movie kung magiging super flop naman daw ito sa takilya. Aray!!! Mas gugustuhin pa raw niyang maging support na lang lagi basta kumikita naman lagi ang mga ito at tuloy-tuloy lang ang paggawa niya ng mga pelikula.


“Mas gusto kong magkaroon ng trabaho kaysa sa wala,” katwiran ni Sweet.

Oo nga naman!


***


ABA lahat na lang ng pampaganda bukod sa mga damit at accessories ay pinasok na ng Bench. This time, may sarili na rin silang whitening lotion na may Nanobright Technology. May tatlong variants ito, ang Suprawhite (na may SPF 10 na sunblock), Naturwhite (para sa sensitive skin) at Hydrawhite (na may moisture locked for 48 hours na bagay sa mga athletes).


Kinuha rin ni Ben Chan ang services ng tatlong next generation celebrities para mag-endorse ng three variants ng Bench Whitening Lotion. And they are Doinique Cojuangco (daughter of Tonyboy Cojuangco and Gretchen Barretto), Amanda Manzano (daughter of Edu Manzano) and Samantha Rodriguez (daughter of the late Miguel Rodriguez).


Bagay na bagay sa tatlo na maging celebrity endorsers ng Bench Whitening Lotion kasi puro sila magaganda, intelehente, makikinis at mapuputi.


Si Dominique ay based sa London kasi doon siya nag-aaral ng fashion design. Samantalang kaka-graduate lang ni Samantha ng Legal Management course sa Ateneo de Manila. Hindi naman nakapunta si Amanda sa launching na ginawa sa Bench Tower.


The post Lumitaw sa acting ang trauma! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lumitaw sa acting ang trauma!


No comments:

Post a Comment