KINAMUSTA si Mark Herras sa press visit ng Rhodora X pagkatapos niyang umamin na may anak na siya. Bakit nag-deny siya na may anak na siya nu’ng unang presscon ng Rhodora X?
“’Di ba may right time to say that, ‘di ba? Si Ogie Diaz nga ilang beses niya akong pinipilit na…pinapaamin niya ako. Sabi ko naman sa kanya, hindi ito ang tamang panahon para aminin ko ang baby ko. Kumbaga, hindi lang para sa akin kundi respeto run sa family o run sa mommy .
“Hanggang ngayon wala akong nilalabas na picture ng baby ko, e! Kasi ako, okey lang ako na kanain ng mga taga-showbiz pero ‘yung tungkol sa baby, ever since naman pag tungkol sa pamilya umaapela ako, e! Kahit sino pa siya, sinasagot ko nang harap-harapan. Binabastos ko sila pag pinakikialamanan nila ‘yung baby ko. Gusto ko ring magkaroon ng privacy ‘yung anak ko. Karapatan ko ‘yun, e, at karapatan din ng baby ‘yung magkaroon siya ng private life,” deklara niya.
Nakaranas na ba siya ng pambabastos?
“May mga bashers sa internet na kinukuha nila ang mga pictures, kinakalat nila, ‘di ba? Kumbaga, kami naman nu’ng mom, meron kaming pagkakaintindihan na nandito kami for the baby. Wala akong promise at alam naman nu’ng girl na ‘yung baby lang talaga ang aayusin namin.”
“Almost everyday, pinapadalhan niya ako ng pictures ng baby ko. That’s all, walang relationship,” sambit pa niya.
Handa na ba siya talagang magkaroon ng baby?
“Actually, matagal ko nang gustong magka-baby. Siguro, sa lahat nang nangyari sa buong buhay ko, eto ‘yung mga isang hindi ko pinagsisihan. Hindi dahil nasaktan ko ‘yung side ng family nina Tita Nadz (Nadia Montenegro), kay Ynna pero syempre baby ‘yung pinag-uusapan, e!
“Kumbaga, na-deny ko siya ng mga ilang beses sa interview pero, this time… 27 na ako, hindi naman ako bata. Mabuti sana kung mga 21 o 22 ako nagkaanak, ‘di ba? At least, malaking issue ‘yun. I’m 27 already turning 28 sa December so, hindi na rin bago ‘yun,” sambit pa ni Mark.
Kahit ang leading lady niya sa Rhodora X na si Jennylyn Mercado ay nagulat dahil inilihim daw ito ni Mark.
“Parang nu’ng time na ‘yun sobrang gulo ng utak ko. Nag-decide ako na para mahinto na rin ang pagtatanong ng ibang tao na nagdi-deny ako, so ‘di ba, once and for all tapos ang usapan. Nilabas ko sa kanila.”
Magpa-five months daw ang baby niyang si Ada Sofia Nicolette ngayong April 7. Nakatakda ring binyagan ngayong buwan ang bata at naka-sked siyang pumunta sa city hall para maayos at marehistro na Herras ‘yung bata. Marami raw katangian ‘yung bata na namana kay Mark gaya ng kilay, ‘pag nagta-tantrums, atbp.
Isa rin si Ynna Asistio (ex-girlfriend niya) sa nagulat?
“Oo, sobra. Mahirap kasing sabihin. Nu’ng gusto ko sanang sabihin sa kanya, na hindi ko alam kung paano, e, biglang nalaman na niya. Pero so far, kami ni Ynna, okey kami, nakakapag-usap kami minsan, nagkakamustahan kami,” bulalas pa niya.
Wala raw siyang bagong babae ngayon. Hindi raw siya naghahanap. Self-service na lang siya?
“Banyo-banyo pa rin,” pagsakay niya sa tanong sabay tawanan.
“After ng break-up namin ni Ynna, akala ko mas magiging babaero ako, gigimik sa club, wala, e! Lahat nang ginagawa ko ngayon..kung dati iniisip ko para sa career ko at para sa mga gusto kong gawin, ngayon 20 percent na lang sa akin, 80 percent na lang para kay Ada,” aniya.
Nawalan ka na ng elya?
“Hindi ..may banyo pa rin naman, e!.” sey niya.
Wala nang PC?
“Wala nang web cam,“ pagbibiro pa niyang sagot.
Loveless din si Jennylyn pero hindi raw dumarating pa yung time na magkakabalikan sila.
“Siguro someday… sobrang basta ngayon, okey ‘yung working relationship namin ni Jen. ‘Pag nanood kayo ng ibang episode ng Rhodora X, minsan may mga sweet moments kami ni Jen na parang ‘yung mga taong nanonood, tinatanong teka-teka, acting ba ‘yung ginagawa niyo? Parang pasimpleng hipo-hipo, ganyan,” sey niya kaya nagtawanan.
“Hindi, sobrang hindi na kami naiilang ni Jen,” dagdag pa niya.
Ano ang reaksyon ng GMA nang ilabas niyang may baby na siya?
“Dun nga ako natakot, inisip ko baka mamaya tanggalan ako ng trabaho pero sobrang nagpapasalamat ako dahil naka-support sila sa akin,” bulalas niya.
Paano kung after ‘Rhodora X’ ay supporting na lang ang ibigay sa kanya dahil sa pag-amin niyang tatay na siya?
“Huwag naman po sana. Pagkatapos ng magandang ratings, supporting na lang?,” saad ni Mark.
Feeling ba niya siya ang dahilan ng magandang ratings ng soap?
“Sa aming apat (Jennylyn, Yasmien Kurdi at Mark Anthony Fernandez). Sabi nga nila, mas click daw kung pumasok si Buboy (Rainier Castillo) kahit guesting lang kaso meron daw siyang pinaghahandaan, e!,” sey pa ni Mark.
The post Sa banyo nagpaparaos ng ‘init’! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment