NAKAPAGTALA ng intensity III na lindol sa Kidapawan City at Makilala, North Cotabato; habang intensity II naman sa M’lang at Magpet, North Cotabato.
Ito’y kasunod ng nangyaring 3.5 magnitude na pagyanig, malapit sa Kidapawan City, bandang alas-10:39 kagabi.
Natukoy ng Phivolcs ang epicenter sa layong 33 kilometro timog kanluran ng Kidapawan City.
May lalim lamang itong 31 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
The post Kidapawan City, niyanig ng lindol appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment