Tuesday, April 1, 2014

P.1-M natangay ng riding-in-tandem sa Japanese national

MAHIGIT sa P100,000 ang natangay ng riding-in-tandem sa mag-asawa sa lungsod ng Naga.


Nakilala ang mga ito na sina Evelyn Nakamura kasama ang kanyang asawang Japanese na si Masaron Nakamura na taga-Milaor, Camarines Sur.


Lulan ang mag-asawa sa isang tricycle nang bigla na lang hablutin ng mga suspek ang bag ng ginang.


Laman nito ang perang nagkakahalaga ng P50,000, cellphone at camera na nagkakahalaga naman ng P80,000.


Natangay din sa mag-asawa ang kwintas at ilan pang personal na gamit.


Napag-alaman na nangyari ang insidente sa Barangay Triangulo kung saan papunta sana sa isang hotel ang mga biktima.


Sa ngayon iniimbestigahan na ang pangyayari sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek.


The post P.1-M natangay ng riding-in-tandem sa Japanese national appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P.1-M natangay ng riding-in-tandem sa Japanese national


No comments:

Post a Comment