Tuesday, April 1, 2014

Anak ng negosyante, dinukot sa Zamboanga

DINUKOT ng hindi pa kilalang grupo ang binatang anak ng negosyante sa loob mismo ng Petron gasoline station na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa Barangay Poblacion sa bayan ng Siocon lalawigan ng Zamboanga Del Norte.


Nabatid sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), kinilala ang biktima na si Michael Co Sta. Teresa, 27.


Nabatid na ang insidente ay naganapo bandang hapon nang bigla na lamang pumasok sa gasoline station ang apat na armadong lalaki at unang nagdeklara ng holdap.


Sa pagtakas, puwersahang dinala ng mga armadong suspek ang biktima.


Nabatid na sumakay ang mga ito sa isang KIA Sportage at walang plate number na tumakbo papunta sa direksyon ng Barangay Latabon ng naturang bayan.


Patuloy na nagsasagawa ngayon ng pursuit operation ang magkasanib na puwersa ng PNP at mga sundalo laban sa mga suspek.


The post Anak ng negosyante, dinukot sa Zamboanga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Anak ng negosyante, dinukot sa Zamboanga


No comments:

Post a Comment