Sunday, April 6, 2014

Kaya can afford na ‘di tumanggap ng project, relasyon ng singer-actress sa top executive ng TV network, tuloy-tuloy

HINDI pala totoong dahil nabansagan siyang ‘jinx’ sa showbiz ay wala nang nag-aalok pa sa serbisyo ng maganda at seksing singer-actress. Sa katunayan ay may magandang offer sa kanya ang isang istasyon para magbida sa isang teleserye.


Kaso mo sa lahat daw ng ayaw ng Ate nating Diva ay ‘yung napupuyat siya at inuubos ang time niya sa mga taping na ‘yan. Kahit nga guesting o mga out-of-town show ay tinatamdad na rin siyang tumanggap.

And why is that so? Kasi naman pala hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan si nasabing singer ng dating Top executive ng malaking TV network kaya tuloy ang paghiga niya sa salapi.


Yes, can afford talaga siyang tumanggi dahil sa suportang ibinibigay ng kanyang rich Papa. Maliban sa magarang mansyon na ipinatayo sa kanya ay binigyan rin si singer ng nasabing lover ng puhunan para makapag-produce ng concert na siyang ginagawa nito ngayon. Another thing, on the side ay may sariling negosyo rin ang hiwalay sa asawa at may anak ng Diva. Marunong sa buhay gyud!


PERFORMANCE NI TIRSO CRUZ III SA IKAW LAMANG, MARAMI ANG PUMUPURI


KUNG nabubuhay lang si late Lino Brocka, siguradong dahil sa galing ng mga artista sa Master Teleserye na Ikaw Lamang ay kukunin niya ang buong cast sa kanyang project na gagawin.


Yes, wala ka naman kasi talagang itulak-kabigin sa bigating casts ng nasabing serye magmula sa mga bidang sina Coco Martin at Kim Chiu, hanggang kina Jake Cuenca at Julia Montes at mga top-caliber supporting cast like Ronaldo Valdez, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, Angel Aquino, John Estrada at Tirso Cruz III, talagang mapupuri mo sa kanilang galing at mahusay na performance. Bawat character ay talagang may importanteng papel na ginagampanan like Tirso Cruz na gumaganap bilang Eduardo Hidalgo na gobernador ng Salvacion na kilala sa plantasyon ng tubo sa bansa.


Bagay na bagay sa actor ang kanyang character na mabait at nakauunawa sa kalagayan ng mga obrero sa tubuhan. Makikita mo sa katauhan niya sa Ikaw Lamang ang sinseredad sa bawat atake sa kanyang mga eksena.


Kahit ano pang pressure ang ginagawa ng mataray na maybahay na si Miranda (Cherie Gil) at biyenan na si Maximo Salazar (Ronaldo Valdez), hindi ito nagpapaapekto dahil katuwiran niya ay ginagawa lang niya ang tama at ang kanyang trabaho bilang gobernador ng kanilang bayan.


Hindi talaga nagbago ang kahusayan sa pag-arte ni Pipo. Mapanonood nga pala ang teleseryeng ito ng Dreamscape Entertainment weeknights pagkatapos ng Dyesebel sa Primetime Bida ng Kapamilya network.


EB DABARKADS MULING BIBIDA SA EAT BULAGA LENTEN SPECIAL


TAONG 1981 nang simulan ng Tape Incorporated at ng Eat Bulaga ang paghahatid ng iba’t ibang kuwento ng buhay sa kanilang Lenten Special.


Sa taong ito ay muling ibinabalik ng programa ang pakikiisa nila sa Semana Santa kung saan anim na mga istoryang kapupulutan nang lahat ng aral ang kanilang handog na pagbibidahan syempre ng mga paborito niyong hosts sa Eat Bulaga kasama ang mga malalaking artista sa Industriya.


Bibida para sa episode na may titulong Karugtong ng Puso sina Susan Roces at Paolo Ballesteros, Si Julia Clarete kasama si Allan K ang mapapanod niyo sa Ilaw ng Kahapon, pinagsama naman sina Michael V, Bea Binene at wally Bayola sa Hakbang ng Pangarap, matutunghayan naman sina Keempee de Leon, Pia Guanio, Isabelle Daza at ang Diamond Star sa episode na may titulong Kanlungan, sa Anyo ng Pag-ibig, masisilayan naman sina Pauleen Luna, Ruby Rodriguez, Ryan Agoncillo at Jimmy Santos.


Paiiyakin naman kayo nina Jose Manalo at Ryzza Mae Dizon sa kanilang pagganap bilang mag-ama sa Anyo ng Pag-Ibig at kanilang makakasama naman sa episode na ito ang bossing ng lahat na si Vic Sotto at Anjo Yllana. Si Mike Tuvierra ang isa sa mga director ng nasabing Lenten Drama Special.


By the way, naging matagumpay ang isinagawang Special Screening ng EB Lenten Special sa iba’t ibang Unibersidad.


The post Kaya can afford na ‘di tumanggap ng project, relasyon ng singer-actress sa top executive ng TV network, tuloy-tuloy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaya can afford na ‘di tumanggap ng project, relasyon ng singer-actress sa top executive ng TV network, tuloy-tuloy


No comments:

Post a Comment