TINANONG namin si Albie Casino sa set visit ng Confessions of A Torpe ng TV5 kung totoo bang nagselos siya kay Gerald Anderson kaya nakipag-break siya sa ex-girlfriend niyang si Dawn Jimenez.
Nakipag-love scene kasi si Dawn sa pelikulang “OJT (On The Job)” kay Gerald na kung saan ay nag-hello ang kanyang boobs.
“Hindi totoo ‘yun. At saka medyo kinun-front ko nga siya (Dawn) tungkol dun. Bat ‘yan ang sinasabi mo, hindi naman ‘yan totoo? Pero parang sabi ko sa kanya na hindi na ako magsasalita tungkol dun pero kung ayaw mo akong magsalita, ayaw ko namang pumayag na magsinungaling ka, ‘di ba? Its either ‘wag mo na lang sabihin ‘yan ulit, ‘di ba? Parang hindi ko namang pinipilit na sabihin niya ang totoo pero ‘wag din siyang magsinungaling,” bulalas niya.
Pero totoo bang ayaw niyang magpa-sexy si Dawn kaya hiniwalayan niya?
“Ano ako tatay? Hindi naman ako ang tatay niya, e!,” tumatawa niyang sagot.
Pero meron mga selosong boyfriend.
“Buhay naman po niya ‘yun. Alam ko naman na pumapasok siya sa pag-aartista, kasama naman ‘yan. Kung ‘yan ang problem sa simula pa lang na nalaman ko na mag-aartista siya, hindi ko na dapat ginilfriend, ‘di ba? The movie were I met her, nagpa-sexy na rin siya, e! So, kung iisipin mo, ba’t naman ‘yun ang magiging rason ng break-up,” sey pa niya.
Okey naman daw sila ni Dawn ngayon. Kamakailan ay gumimik sila kasama ‘yung director nila sa “The Animals” (movie na pinagsamahan nila nu’ng araw at dun sila nagkakilala). Hindi naman daw sila nag-aaway o anything. Nagtanguan lang daw sila at nagkamustahan. Maayos naman daw kasi ‘yung paghihiwalay nila. Hindi raw sila bitter sa isa’t isa. Nu’ng birthday pa nga raw ni Dawn ay binati niya ito sa text.
May bago ba siyang girlfriend ngayon?
“Bakal. Ha!ha!ha! Gym lang,” tugon niya.
‘Yun na!
-0o0-
UMPISA pa lang ng interview ay lumapit na agad ang PA ni Albie Casino para sabihin ‘wag magtatanong tungkol kay Andi Eigenmann. Binara namin tuloy ang PA na ‘wag siyang mag-alala dahil wala kaming balak na magtanong tungkol kay Andi dahil pinaglumaan na ang isyu at wala namang bago. Huling pagkikita nga nila ni Andi ay nagkumustahan lang sila at nagtanguan lang. Hindi sila nag-usap. Matagal na raw ‘yun at hindi niya maalala.
Marami nang pinagdaanan si Albie at lumamlam na ang career niya dahil sa isyu sa kanila nila ni Andi, pero protective pa rin ang bagong nagma-manage sa kanya. Hindi na lang nila hayaan si Albie kung sakaling itanong si Andi dahil matalino naman siya, kaya niyang itawid at mairaos na sagutin ito.
Anyway, okey naman daw si Albie sa TV5 dahil pangalawang show na niya ang “Confessions of A Torpe”. Mukhang inaalagaan naman daw siya.
Hindi ba siya nalulungkot na namamayagpag na ngayon sina Kathryn Bernardo at Julia Montes (Kasama niya sa Mara-Clara) sa Primetime na supposed to be ay kasabay niya sana ngayon kung hindi siya naugnay sa iskandalo?
“Hindi naman. Mahihirapan din ako ng sobra ‘pag ganoon ‘pag kasabay ko sila tapos nag-aaral pa ako. So, hindi ko alam kung maba-balance ko ‘yun. E, dito sa TV5 understanding sila sa school, sa schedule. ‘Di nila ako pinipilit ‘pag sinasabi kong school ang priority ko, okey lang sa kanila. Naga-adjust sila para sa akin,” bulalas niya.
Export Management ang kursong kinukuha niya ngayon sa College of Saint Benilde. Incoming third year siya pagkatapos ng term na ito.
Kumusta naman siya sa Confessions of A Torpe?
“Okey naman po. Lahat po ng tao rito ay sobrang bait, nakatutuwa po ang lahat ng tao rito, so very light ‘yung set namin,” aniya.
Pero badboy siya rito dahil siya ang nambu-bully kay Mark Neumann. Kung ano ang experience noong high school ni Tupe (Ogie Alcasid) kay Wendell Ramos, ganoon din ang ginagawa niya ngayon kay Mark. Okey lang daw na salbahe ang role niya dahil kadalasan ay mababait ang papel na ginagampanan niya. ‘Yung last show nga niya ay pari siya. At least, ibang klase naman daw ngayon.
First time daw niyang nakatrabaho sina Ogie Alcasid, Gelli De Belen at Alice Dixson. Very nice daw sina Ogie, Jojo Alejar, Bayani Agbayani. Sobrang light daw sa set at walang intimidation sa mga veterans.
The post Over-protective ang bagong nagma-manage! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment