MAPANONOOD siyang muli sa repeat sa Agosto ng Rak of Aegis ng PETA (Philippine Educational Theater Association).
Opo, napakamatagumpay ng musical na ito na gumagamit ng mga kanta ng Pinoy rock band na Aegis kaya’t ito ang gagawin nang PETA na pambukas ng 47th theater season nila sa taong ito.
Masuwerte yung mga katoto namin sa press (including bloggers) na hindi nakapanood ng Rak of Aegis nitong nagdaang Enero hanggang Marso dahil halos lahat nang miyembro ng cast ay nag-perform ng medyo mahabang excerpt nung Sabado ng hapon para sa media and buyers’ launch ng PETA 47th theater season.
Syempre, sa PETA Theater Center sa Eymard Drive, Quezon City ginawa ang paglulunsad na iyon. Kasama sa nag-perform nung hapong iyon ang mag-asawang theater actors sa tunay na buhay, sina Isay Alvarez at Robert Seña, na mga pangunahing bituin din nga ng Rak of Aegis (bagama’t ‘di sila gumaganap na mag-asawa, at sa halip ay ex-lovers).
Gaano ba kamatagumpay ang Rak of Aegis commercially?
After its first weekend na well-reviewed sa mga dyaryo, tabloid, at blogs, sold out lahat ng sumunod na shows. Dumagsa ang showbuyers, at sila na ang nagbenta ng mga tiket para sa lahat ng shows.
Nagdagdag pa nga ng playdates ang PETA, ayon sa isa sa mga marketing officer nila na si Leloi Arcete na nakakwentuhan namin pagkatapos ng presentasyon ng sneak previews ng 47th season shows nila.
Huwebes ipinalabas yung mga dagdag na pagtatanghal dahil na rin sa kahilingan ng showbuyers. Actually, weekends (Biyernes, Sabado, Linggo) ang regular na pagtatanghal ng PETA. Hindi na ini-announce nang malawakan ang mga Thursday show dahil pre-sold na ang mga yon.
Sa website na lang ng PETA ibinalita ang mga dagdag na show para sa mga gustong bumili ng mga tiket directly from the showbuyers.
Sa mga gustong mag-fundraising o magnegosyo, P200,000 “lang” pala ang kailangan para makabili kayo ng isang gabing pagtatatanghal. Kung makikipag-usap kayo kay Leloi, ipapaliwanag n’ya kung paano kayo tutubo ng at least P100,000 sa pagbebenta ng mga tiket. Ang telepono ni Leloi ay 0917-576-5400, at ang sa PETA Marketing ay 410-0822 o 725-6244.
Nung hapon ng media launch, may mga nabenta nang gabi ng Rak of Aegis sa Agosto. Na-meet namin (kami ng katoto sa panulat na si Ibarra Mateo) yung mag-partner na buyers na kumita na nung nakaraang pagtatanghal ng Rak, at bumili na naman sila ng isang gabi para sa Agosto.
Syempre pa, may iba pang pagtatanghal ang PETA na puwedeng i-enjoy at pagkakitaan ngayong 2014.
Sometime this year ay itatanghal din nila ang Florante at Laura Remastered at ang The Orchard. Ang Remastered ay isang hip-hop na pagtalakay at pagpapahalaga sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas.
Malamang na maging hit ito sa mga estudyanteng kinakailangang mag-aral ng obrang ito ng dakilang manunulat na Pinoy. Bale musical ito.
The post Wala nang atrasan ang pagsikat ni Aicelle Santos appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment