LUGAR na lang na hihimpilan ng mga puwersa ng Amerika ang dapat pinag-uusapan kaugnay ng pagpapalawig ng presensya nito sa Pilipinas.
Ito Ang Totoo: kung may maiingay sa lansangan sa Metro Manila, kasama na ang ilang politikong umeepal kontra sa pagbabalik sa bansa ng puwersa ng Amerika, kakaunti lang iyan kumpara sa kabuuang 100 milyon na populasyong Pinoy.
Sa harap ng pananakop ng Tsina sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippines Sea, umigting ang pangangailangan ng Pilipinas ng lakas upang ipagtanggol ang sarili.
Nakahihiya mang aminin pero talaga namang kulang sa kakayahan sa kasalukuyan ang Pilipinas na makipagtapatan, lalo pa kung ang kabanggaan ay tulad ng dambuhalang Tsina.
Pero kung sasariwain ang kasaysayan, makikita na sa panahong may base sa Pilipinas ang US Forces ay hindi makadikit man lang ang mga Tsino sa teritoryo ng bansa.
Nanghimasok lang ang mga hinayupak ilang taon matapos magsara ang US Naval Base sa Subic noong 1992 sa desisyon ng 12 senador na parang walang sariling bait na sumakay lang sa alon ng sentimyento ng maiingay sa kalye na noo’y paborito ng media na lasing pa sa tama ng 1986 EDSA.
Ito Ang Totoo: tahasang sinabi ni Olongapo City Mayor Rolen C. Paulino na pabor siya sa pagbabalik ng puwersa ng Amerika kahit man lang sa pagdami at pagiging malimit na pagbisita at pagdaong ng mga barko ng US Navy.
Ito rin ang paninindigan ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Roberto V. Garcia nang kapwa maging guest sa paglulunsad ng Samahan ng Mamamahayag sa Subic Freeport ng bimonthly “Freeport Media Forum” nitong Miyerkules sa Aristocrat Restaurant, Subic Bay.
Sinariwa ni Paulino ang dinaanang pagdurusa ng mga taga-Olongapo, Zambales, Bataan at mga karatig lugar bunga ng pagkawala ng hanapbuhay at negosyo nang magsara ang US Naval Base sa Subic.
“Habang kami ay nagdurusa, nasaan ang mga kumontra sa pananatili ng Amerikano?” tanong pa ni Paulino.
Sinabi naman ni Garcia na mas mapalalakas ang kalakalan sa Subic Freeport sa pagdalas ng dating ng US Navy, at makabubuti rin aniya ito sa pambansang seguridad.
Ito Ang Totoo!
The post SA SUBIC, PALAWAN, NUEVA ECIJA, ETC. appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment