WALANG problema kay Jackie Rice kung third choice lang siya sa indie film na pinagbibidahan ni Allen Dizon na idinirek ni Joel Lamangan. Ang importante ay gusto raw niya ang role at saka matagal na rin raw siyang walang ginagawang pelikula.
Tamang-tama naman ang paglabas niya sa indie film dahil muling bumalik ang kaseksihan ni Jackie. Matatandaang malaki ang ipinayat ni Jackie dahil naging maselan siya sa pagkain at wala naman daw kinalaman ang pag-ibig.
Nagpasalamat si Jackie sa mga kasamahan sa Bubble Gang na laging nakasuporta sa kanya kahit anomang problema ang dumating sa kanya.
Sa taping nga ng Bubble Gang na napanonood every Friday sa GMA 7 ay isang pagkaseksing-seksing Jackie ang nakita namin at masayang-masaya. Kay Jackie rin namin nalaman na super daring nga ang role na ginampanan niya sa Indie Film sa role na ikatlong wife ni Allen.
Totoo raw na may pumping scene sila ni Allen Dizon na first time niyang ginawa. Kailangan daw kasi sa istorya kaya siya pumayag at saka si direk Joel naman daw ang kanilang director.
——
UMIYAK si Jasmine Curtis sa kanyang 20th birthday celebration last Saturday sa live airing ng Spinnation ng TV5. Umiyak siya dahil binati siya ng kanyang Ate Anne Curtis sa phone.
Ang mga katagang;”I will protect you and I love you” ang nagpaiyak kay Jasmine nang sabihin ito ni Anne thru phone.
Sa naturang phone call message ni Anne sa kapatid ang naglinaw din sa isyung hindi nagbabatian o nag-uusap ang magkapatid mula nu’ng laitin at tarayan daw ni Anne ang rumored boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion.
Patunay na wala silang isyu ng Ate niya ay nang dalawin niya ito sa ospital last Saturday pagkagaling niya sa Bulucan mula sa shooting ng pelikula nila ni Ms. Nora Aunor.
Paglilinaw ni Jasmine na walang katotohanan nagkasamaan sila ng loob ng Ate Anne niya dahil sa insidente nito kay Sam sa birthday party ni Vice Ganda.
Inamin ni Jasmine nasasaktan siya sa mga akusasyon sa Ate Anne niya na kesyo nakarma ito sa ginawa kay Sam kaya nakagat ng jellyfish. Hindi raw makatao yun lalo na at puwedeng ikamatay ng tao ang ganong sitwasyon.
Ang masasabi naman ni Jasmine sa pagkaka-link diumano ni Sam sa co-star nito sa Mirabella na si Julia Barretto kung saan daw kaya nakapagbitiw ng masasakit na salita ang Ate niya. “Whatever you guys want to believe, it’s up to you. I have no idea why Sam is being linked to Julia,” pagtatapos ng utol ni Anne.
——
IKINAGULAT ng anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique Cojuangco ang balita tungkol sa pagkakamabutihan daw nila ni Enchong Dee.
Isang matigas na ‘No!’ ang nasabi ng dalaga ni Gretta sa naturang tsismis na mayroon silang romantic relationship ni Enchong.
Paglilinaw pa ni Dominique, magkaibigan lang daw sila ni Enchong at nakita lang niya ito last February.
Kahit raw may communication sila ay wala na raw iba pang namamagitan sa kanila kundi ang pagiging magkaibigan.
Ayon sa dalaga ni Gretta, wala raw siyang boyfriend ngayon at lalong ayaw pa raw niyang magpaligaw dahil gusto niyang magtapos muna ng pag-aaral sa London.
Nasa London na uli ngayon si Dominique matapos ang launching ng kanyang inindorsong produkto.
The post Jackie Rice bumigay kay Allen Dizon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment