Saturday, April 12, 2014

Eula Caballero pambato ng TV 5

GAYON na lang ang tiwala ng Kapatid Network kay Eula Caballero. Balita namin sa TV 5 na ngayong 2014 ay magiging taon ni Eula. May mga programang ihahanda sa kanya na tulad nang projects na inilaan o nilalabasan nina Louise at Katrine.


Naniniwala ang nasa likod ng career move ni Eula na may ibubuga ito sa lahat nang aspeto ng acting: drama o comedy. Bukod pa sa may magandang mukha at may positive thinking sa kanyang career bilang artista.


Panimula lang ang unang project ni Eula sa 2014. Bukod sa Tropa Mo Ko Unli, ang One of the Boys, siya ang namumukod tanging babae sa comedy show na pinangungunahan din nina Joey de Leon at ang sumisikat na Juan Direction na ang members ay lahat half Pinoy at British.


Pero ang pilit na inili-link ngayon kay Eula sa Juan Direction ay si Dan Marsh.Bukod sa guwapo at napaka-gentleman kay Eula, aminadong single siya ngayon.


Totoo namang single si Dan after na makipagrelasyon ng pitong taong straight. Nagsasabing pahinga muna siya pero masisira ang pagsasabing pahinga muna sa lovelife dahil maganda ngayon ang samahan nila ni Eula. Super sweet sila sa set ng One of the Boys.


Malapit nang mapanood ang One of the Boys! Sa last Saturday ng April ipalalabas.


000


MIGUEL TANFELIX: FIRST TIME LANG NAGKAROON NG SERIOUS CRUSH SA BABAE!


PUWEDENG sabihing conservative ang pamilyang kinalakihan ni Miguel Tanfelix. Kasalukuyang school administrator ang amang engineer sa isang private school sa Dasmarinas City, Cavite. Ang ina naman ay isang school teacher din sa kanilang lugar.


‘Di na kami nagtaka kay Miguel nang sabihin niya sa edad niyang 15, ngayon lang siya nagkaroon ng totoong crush.

Dati’’y hanggang patingin-tingin lang sa girls. Ngayo’’y humahanga na siya. Bukod sa magandang mukha, gusto rin niyang may mabait na pag-uugali.


Nang tanungin namin si Miguel kung sino siya? Mabilis niyang sinagot si Bianca Umali.


Matagal na niyang nakakasama si Bianca sa mga soap opera ng GMA 7 kaya nakilala na niya nang husto ang dalaginding na produkto ng ng pagiging child actress.


Tulad din ni Bianca, child actor din si Miguel. Nagsimula si Miguel sa StarStruck Kids noong 2005. Aba, almost ten years na ngayon. Kaya nagsimula si Miguel sa edad na anim sa pag-aartista.


Feel mo ang pagkaseryoso ni Miguel sa buhay kapag nakikipag-usap siya sa aming taga-press. Derecho siya kung sumagot! Tulad nang sabihing sa kinita niya sa showbiz, nakatulong na rin siya sa parents niya na magpa-renovate ng kanilang dati pang bahay. Bukod pa sa nakabili na siya ng sariling sasakyan.


Sa team-up nilang ngayon ni Bianca bilang mag-—loveteam, naniniwala si Miguel na hindi na sila ni Bianca magkakailanganan. Lalabas si Miguel na autistic sa soap operang Niño na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.


000


SOLENN HEUSAFF AT ISABELLE DAZA, WALANG SAPAWANG NAGAGANAP SA TASTE BUDDIES


NAPANOOD namin ang Taste Buddies nina Solenn Huessaff at Isabelle Daza sa GMA News TV Channel 11.


Walang sapawang nagaganap sa kanilang spiels dahil ginawa may kanya-kanya silang portions sa programa.


Ginawa ng variety lifestyle show ang programa para mas maraming mapanood sa show na pawang informative materials tungkol sa buhay ng mga kababaihan.


Mayroong fashion na linya ni Solenn dahil graduate siya sa isang fashion school sa Paris.


Bukod pa rin dito, isa ring artist painter si Solenn. May mga paintings siyang ginagawa sa bahay kapag free time niya. Ingat lang si Solenn na gumawa ng controversial paintings.


Si Isabelle naman ay natoka sa cooking dahil galing siya sa Daza familya na sikat sa pagluluto. Ang kanyang sikat na lola ay si Nora Daza na kilalang magaling na cook sa bansa noong kapanahunan nito.


Umiikot si Isabelle sa iba’’t ibang panig ng Pilipinas para tikman ang mga pangunahing pagkain sa bansa na matatagpuan lang sa malalayong lalawigan.


The post Eula Caballero pambato ng TV 5 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Eula Caballero pambato ng TV 5


No comments:

Post a Comment