SOBRANG napaiyak pala sa sama ng loob ang female ang TV host na ito na taga-Kapuso network sa isang young starlet.
Paano, nakatakda kasing mag-interview sana itong si female TV host kay starlet pero pinaghintay raw ng mahigit sa tatlong oras ni young starlet.
Kaya ang nangyari, neresched s’yang uli ng female TV host para interview-hin si young starlet.
Anyway, nang dumating ang araw ng interview, muli na namang hindi nakarating sa naturang panayam itong si young starlet, sobrang napaiyak tuloy sa sama ng loob si female TV host na ang initial ay RS.
Sa totoo lang, iisa lang namang TV network ang pinagtatrabahuhan ng dalawa.
Kaya nang ipatawag ang mga ito ng kanilang bossing para humarap at ayusin ang gusot sa kanilang dalawa (Female TV host at young starlet), biglang ang handler ng starlet ang tinuro na s’yang may kasalanan sa executive producer ng naturang TV network.
Pero itong si female TV host ay hindi kumbinsido sa naging rason ni young starlet. Kaya kahit ano’ng pakiusap daw ng nasambit na mga big boss kay female TV host para gamitin ulit sa isang episode ng kanyang show ang talambuhay ni young starlet ay todo talaga ang pagtanggi nito.
Balita pa namin, kapag pinilit daw ng mga bossing sa naturang TV network na i-quest sa kanyang show ang young starlet, baka raw mas piliin na lang niyang mag-resign.
Kunsabagay, may dahilan naman ng tumanggi si female TV host. Baka nga naman sa mga susunod na eksena ni young starlet ay matuyuan na siya ng dugo.
Sa totoo lang, maling-mali talaga ang naging attitude ni young starlet kaya kumbinsido kami sa kasabihang wala talagang mararating sa kanyang pagkaartista itong na si young starlet.
‘Yun lng.
000
BALITANG-BALITA talaga sa apat na sulok ng Showbiz ngayon na diumanoy nagli-live-in na raw si Young Star at ang kanyang katambal sa mga ginagawa nilang serye sa isang Network.
At ang latest nga kung bakit hindi nakikita sa mga Showbiz function itong si Young Star at si Young Actor ay sa dahilang umiiwas raw ito na magpa-interview sa mga movie press.
Pero may balitang nakarating sa amin na buntis na yata si Young Star kaya umiiwas na rin ito ngayon na lumantad in public.
Syempre, kung totoo ngang nagli-live-in ang dalawa (young star at young actor) sa iisang bubong, hindi malayong mabuntis si young star.
Kunsabagay, matagal na naman ang tsismis tungkol sa sinasabing pagli-live-in ng mga ito.
Kaya lang, napakabata pa nila para maging ama at ina.
Si young star yata ay mga 15-16 years old pa lang ngayon at ganun din si young actor na mga 16-17 years old pa lang. Kaya sayang talaga ang kanilang mga career.
Hindi kasi sila nakinig sa mga advise sa kanila na huwag muna silang magpakaseryoso at unahin muna ang kanilang mga career.
The post Female TV host pinaiyak nang sobra ng young star appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment