Saturday, April 12, 2014

Pantasya lang ang intrigang tinanggihan si Juday!

PINABULAANAN ni Derek Ramsay na tinanggihan niya si Judy Ann Santos at ang alok na proyekto ng Regal Films para sa kanila.


““Never kong tatanggihan si Judy Ann Santos so, I don’’t know where that story came from. If I was given a project with Ms. Juday, thumbs up,”” deklara ni Derek sa contract signing niya sa Regal Entertainment, Inc.


Pangarap daw niyang makasama sa big screen ang young superstar.


Pero sa ngayon, si Marian Rivera ang unang makakatikim sa kanya sa Regal Films. Rom-com ang gagawin nila na kung saan ay may pagka-sexy rin dahil High class escort girl ang role ni Yan-Yan.


Matagal nang nililigawan ni Mother Lily na gumawa ng movie si Derek sa Regal Entertainment at ngayon lang naisakatuparan.


““Honored ako dahil I am now part of Regal Entertainment. Magaganda yung projects na in-offer sa akin kaya naman I am very excited especially my movie with Marian,”” deklara ng actor.


Noon pa raw ay gusto niya nang makatrabaho si Marian pagkatapos niyang makilala ito ng personal sa New York sa bahay ng Ambassador.


“”She’’s Marian Rivera already but she’’s very down-to-earth. She spoke to me for like, I think 5 or 10 minutes lang.

“She is so simple and how down-to-earth she was,”” bulalas pa ni Derek.


Plano rin ng Regal na igawa ng pelikula si Derek kay Kris Aquino. Bago pa naging exclusive contract artist ng Star Cinema si Kris, may naiwan pa raw na kontrata si Kris sa production ni Mother Lily.


Open din ang Regal kung sakaling mag-sosyo ang Regal at Star Cinema para kina Derek at Kris. May offer din kina Kris at Derek na gumawa ng indie film tungkol sa “Maguindanao Massacre” pero may conflict sa schedule ng Queen of All Media.


Bagama’t sinabi ni Derek na family friend lang si Kris at hindi sila nagkarelasyon, may mga nagsasabi na nagagamit ni Kris si Derek sa pagkakaugnay nila sa isa’’t isa. Isa raw siya sa guy na nakaladkad ang pangalan sa pagkaka-link kay Kris.


“”I’’m the one that has a friendship with Kris, so I know kung ginagamit ako. And..from the help and advice that Kris has given me, kung ano yung mga ipinakita niya sa akin, hindi ako maniniwala na ginamit niya ako,”” deklara niya.


““I don’’t feel like ginamit ako. She’’s Kris Aquino, she has everything,”” aniya.


Ang naririnig nga raw niya na akusasyon ay ginagamit niya si Kris kaya he felt bad.


““It kinda hurt na every time I tweet somebody, it’’s always like I’’m using them. Kaya nga na-shock ako nang sinabi mo na ginagamit niya ako. Para sa akin, I’’ve worked hard naman in this industry. I think, given naman na I did a lot to get to where I am. It’’s not like nanggagamit ako ng tao para makarating ako kung saan ako ngayon,”” deklara pa niya


Ayaw rin i-reveal ni Derek kung sino ang bago niyang lovelife. Basta masaya raw ang puso niya ngayon.


-0o0-


SA napababalitang pagtaas ng kuryente ngayong summer, napapanahon ang episode sa Sunday ng Home Sweetie Home. Ilang buwan nang nakakapagtaka ang taas ng bill para sa kuryente ni John Lloyd Cruz bilang si Romeo sa nasabing hit sitcom.


Sa susunod na episode ngayong Linggo (Abril 13), marami sa kanyang mga kapitbahay at kaibigan ang nagsabing kaya tumataas ang bill nila ng kanyang asawang si Julie (Toni Gonzaga) ay dahil marami na sila sa bahay.


Ang problema ay kung paano nila puwedeng sabihin kay Nanay Loi (Sandy Andolong) na magtipid kasi baka ma-offend ito.


Lingid sa kaalaman nila Romeo, may mga nagta-tap pala ng mga outlet sa kanilang lugar. Nalaman niyang tinap pala ang videoke machine—pero sino kaya ang gumawa nito? Posible bang kapitbahay o kaibigan din ni Romeo ang nagpataas ng kanilang bill para sa kuryente?


Alamin sa Home Sweetie Home ngayong Linggo (Abril 13) pagkatapos ng Goin’’ Bulilit.


Huwag palampasin ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, ang Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila, ang LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 19, at ang Goin’’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.


-0o0-


MARAMI ang nagtatanong kung bakit si Kris Aquino lang ang nagsasalita sa relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista?

Mas maganda raw kung parehong naririnig ang damdamin nila sa inaming relasyon ni Kris.


May nagsasabi rin na mas nakabubuti siguro kung hindi na lang inamin ni Kris ang real score sa kanila ni Mayor Bistek alang-alang sa mga anak ng alkalde na nasasaktan sa sitwasyon.


Pero karapatan ni Kris kung diyan siya happy, no?!


-0o0-


HINDI totoong makababalik na sa bakuran ng ABS-CBN si Mariel Rodriguez dahil hindi nababanggit ang name niya sa mga hosts ng Pinoy Big Brother.


Marami na rin ang nakaka-miss kay Mariel simula nang mawala sa ere ang Wowowillie sa TV5.


Pero unfair naman kay Mariel ang alingasngas na kaya hindi siya diumano nakakabalik sa Kapamilya station dahil galing daw siya sa show ni Willie Revillame. Gaya ni Willie, pareho silang talented na dapat lang mapanood ulit sa telebisyon.


True ba na ‘yung humaharang kay Willie na makabalik siya ng Dos ang humarang din daw kay Mariel?


Ang pagkakaalam ng isang katsikahan namin, si Mariel daw ang namimili ng project. How true na ayaw niya sa PBB at ibang show ang hinihingi niya? Ang dahilan daw ay gusto niyang mag-grow.


Ang ending, wala pa ring project ngayon si Mariel at isa siyang ‘nganga’ beauty.


Kunsabagay, ini-enjoy naman niya ngayon ang oras niya sa kanyang mister na si Robin Padilla. At kaya siyang buhayin kahit hindi siya mag-work.


‘Yun na!


The post Pantasya lang ang intrigang tinanggihan si Juday! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pantasya lang ang intrigang tinanggihan si Juday!


No comments:

Post a Comment