BELA PADILLA has truly buried the hatchet sa nangyaring sigalot sa pagitan nila noon ni Marian Rivera. Malaking factor dito ang pagpapalaki sa kanya bilang isang miyembro ng Jehovah’s Witness na laging isapuso ang pagpapatawad sa mga naka-alitan.
Mas gusto na lamang pagtuunan ng magandang aktres ang kanyang burgeoning career at marami siyang offers kabilang na diyan ang isang international film project.
Kasama rin siya ngayon sa mainstays ng weekend reality variety show na Sunday All-Stars.
Kahanga-hanga si Bela, in the sense na kabilang siya sa iilang artista sa local showbiz na walang itinatago maging sa kanyang personal na buhay. Mahigit isang taon na rin ang relasyon nila ni businessman Neil Arce.
“Mahirap kasi kapag may karelasyon ka, tapos ang sasabihin mo ay wala,” panimula niya.
“Kasi baka sa pagsisinungaling mo mabuko ka rin kapag nagkamali-mali ang mga sinasabi mo. Magkukunwari ka, eh, ang daming artista ngayon na may karelasyon, ‘di ba?”
Going strong pa rin sila ni Neil at isa sa nakikita kong nagbibigkis sa kanila ang kanilang genuine love sa cinema.
Si Neil ay nagpo-produce ng pelikula, na ang pinakahuli ay ang action thriller na 10000 Hours at si Bela naman, bukod sa isang mahusay na aktres ay gumagawa rin ng film scripts- isang bagay na lingid sa marami.
Wala pa ba silang balak magpakasal na dalawa, seeing that their personalities complement each other?
“Kasal? Wala pa naman kami sa pagmamadali. Nang mag-start kasi ako sa showbiz, ang nasa plano ko talaga kung magpapakasal ako ay nasa 30 na ako dapat. 22 pa lang ako ngayon,” pahayag ng magandang aktres.
——
NAKALULUNGKOT si Cristine Reyes sa nangyaring miscarriage sa baby sana ng kanyang Ate Ara Mina, knowing na gusto na talagang magkaanak ng huli at ng boyfriend nitong si Bulacan Mayor Patrick Meneses.
“Siguro hindi pa time, siguro hindi pa panahon na magkaroon siya ng baby. Lahat naman ng mga bagay, may panahon para diyan,” sabi ni Cristine.
Madalas raw sila ngayong nagkikita ni Ara at hindi na raw nito masyadong dinidibdib na nakunan siya sa una sanang baby nila ni Mayor Patrick.
“Happy siya sa business niya. Okay naman si Ate,” aniya. May beauty and care line si Ara.
On another note ay blooming si Cristine at isa na maramil sa mga dahilan ang pagkakaroon niya ng bagong dyowa.
Hindi itinatanggi ng aktres maging sa social media ang new boyfriend niyang si Ali Khattibi na isang mixed martial arts practitioner and instructor at champion sa URCC.
——
NAGING maramdamin si Nueva Ecija Governor Oyie Umali sa kanyang birthday wish para sa kabiyak na si Congresswoman Cherry Umali.
Inamin niyang marami siyang naging pagkakamali sa misis’ pero dagdag niyang, “Sa lahat ng aking minahal, si Congresswoman Cherry lamang ang tangi kong pinakamamahal.”
Dagdag ni Governor Oyie na kahit sobrang busy ni Congw. Cherry in attending to the needs of her constituents, she makes it a point that she allots quality time bonding with their kids.
Ipinakita ni Gov. Oyie ang pagmamahal nang haranahin niya ang misis – hindi lang minsan, kundi tatlong beses- kasama ang isang banda at si Lloyd Umali, na matagal rin nating hindi nakita.
The whole of Nueva Ecija was represented in the much-loved lady lawmaker’s 42nd birthday celebration which was held at the Sierra Madre Hotels in Palayan City.
——
May libre palang live telecast ang Manny Pacquiao-Timothy Bradley 2 World Welterweight Championship sa Linggo, May 13 sa Bacoor City Hall Grounds. Ito ay handog sa mga mamamayan ng Bacoor ng aming Mayor Strike Revilla.
For comments, puwede n’yo akong itext sa 09088107598 or i-email sa rod.yabis@yahoo.com
The post Bela Padilla, sa edad-30 mag-aasawa; Cristine Reyes may bagong dyowa appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment