Wednesday, April 9, 2014

ARAW NG KAGITINGAN

deep fried DATI-RATI ay Fall of Bataan ang tawag sa pagsuko ng mga Filipino at mga Amerikanong sundalo sa mga Hapong manlulupig noong April 9, 1942 noong World War II.


Later on ay pinaikli ang tawag dito at ginawa na lamang na Bataan Day dahil bakit daw natin ginugunita ang pagbagsak ng isang masaklap na kasaysayan na ito.


Dapat daw ang April 9 ay magsilbing paalaala sa atin na ito ay Araw ng Kagitingan.


Magigiting talaga ang mga sundalong Amerikano at Filipino, pero noon iyon, sabi ng iba.


Matapos ang giyera ay nagsulputan ang mga fake na sundalo at guerilla.


Nakatanggap sila ng mga pension at back pay sa tulong ng mga mambabatas at mga non-government organization.


Noon pa man ay talamak na ang mga fake sa Pinas.


Fake hero daw si Lt. Ferdinand Marcos.


Fake President daw si Jose Laurel dahil appointed lang siya ng mga Hapon.


Si Emilio Aguinaldo naman ay kumampi sa Japan at nagsilbing pro-Japanese radio commentator.


Nang maging Pangulo si Diosdado Macapagal at pinangaralan niya si Laurel na isang tunay na Pangulo kahit na siya ay tinuring ng marami na puppet President.


Hindi pa nagkasya si Macapagal. Hinirang din niyang unang Pangulo ng bansa si Aguinaldo.


Si Gloria Macapagal-Arroyo na anak ni Diosdado Macapagal ay naging Pangulo rin.


Pero dahil sa kaguluhan sa Edsa II kuno, at sa kaduda-dudang halalan noong kumandidato si Fernando Poe, Jr., itinuring ng marami na si Gloria ay isang fake President.


Not once, but twice, sabi nga ng balong si Susan Roces.


Lalong dumami ang nagsulputang mga fake pagkatapos ng WWII.


Nagkaroon ng mga war reparation, perang laan sa mga nasalanta ng giyera. Pero ang mga nakinabang ay ang mga politiko at lalo silang yumaman.


Ang mga magigiting na mga bayani ng WWII ay nalugmok na lamang sa kahirapan.


The post ARAW NG KAGITINGAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ARAW NG KAGITINGAN


No comments:

Post a Comment