Wednesday, April 9, 2014

PANAWAGAN KAY CDO MAYOR MORENO

_bobby ricohermoso ISANG email ang natanggap ko kamakailan mula sa isang matagal ko nang kaibigan na kasalukuyang naninirahan sa Cagayan de Oro city.


Inirereklamo ng aking kaibigan na itago na lang natin sa alias na “ The Eye”, ang aniya ay halos araw-araw na aksidente sa kalsada dahil sa magulong sistema ng pamamalakad ng trapiko sa lungsod.


Sinabi pa ni “The Eye” na nito lamang pagpasok ng taong 2014 ay hindi na mabilang ang mga nasawi o ‘di kaya ay malubhang nasugatan dahil sa sunod-sunod na aksidente sa kanilang lugar.


Partikular na tinukoy niya ang magulong sistema ng trapiko sa may overpass na nasa Zone 4, Brgy. Bulua na siyang dahilan ng marami at malubhang mga aksidente roon.


May inilagay naman daw na traffic light sa nasabing lugar subalit mukhang pinagkakitaan lamang iyon ng kontraktor, dahil palpak at hindi naman daw gumagana ito.


Matagal na umanong inirereklamo ng mga residente ang palpak na pamamalakad ng trapiko, subalit tila hindi naman sila pinapansin ng mga namumuno.


Kaya naman napilitan silang lumiham sa atin para manawagan kay incumbent Mayor Oscar Moreno na bigyang-pansin ang kanilang karaingan.


Nais nilang aksyonan na ni Mayor Moreno kaagad ang sitwasyon at kung kinakailangang balasahin niya ang traffic sector ng lungsod ay gawin niya ito.


Mismo aniyang ilang traffic enforcer na sa CDO ang nagsasabi na malaking bagay at mababawasan ang aksidente sa mga kalsada, kung makapaglalagay ng mga gumaganang traffic light sa ilang strategic area sa lungsod.


Kaya dahil dito ay nanawagan ako kay Mayor Moreno na bigyang-pansin niya ang kahilingan ng mga kababayan niya, at maglaan naman sila ng pondo para maglagay ng mga kailangan na traffic light sa mga peligrosong kalye roon.


Naghihintay ang mga kababayan mo, Mayor Moreno! Kilos na!


The post PANAWAGAN KAY CDO MAYOR MORENO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PANAWAGAN KAY CDO MAYOR MORENO


No comments:

Post a Comment