HIWALAY na raw ang mag-asawang Maricar de Mesa at Don Allado dahil hindi nabibigyan ng anak ng una itong kanyang mister na PBA player.
Dribol nang dribol at puro naman daw syut pero walang iskor. Si Maricar ay puro naman daw pangako.
Minsan dumating daw sa puntong nagkaroon nang matinding away ang mag-asawa kaya napilitan si Maricar na pagbigyan ang kahilingan ng asawa. Dadaanan daw sila sa vitro fertilization procedure. Ngunit matapos na magpakuha sila ng semilya ay hindi na nagawa ang proseso dahil tumanggap daw itong karakter aktres ng project sa telebisyon bilang isa sa cast ng Villa Quintana.
Kaya ang semen ng dalawa ay naburo at tumigas na sa freezer.
Magbibigay daw sila ng joint statement sa isyung ito. Abangan natin.
***
DENNIS TRILLO BAD TRIP SA GMA SINEBABAD
NAINIS si Dennis Trillo sa pralala ng GMA 7 tungkol sa Sinebabad programa nito kung saan pagpapalabas sila ng mga lumang pelikula. Hindi nito napigilan ang mag-react kaya sa pamamagitan ng social media kung saan naka-post ang press release ng Kapuso network ay doon din niya ito sinagot ng “Ano ‘yan, pang-throwback? Wala bang bagong show?”
May mga nagtanggol naman sa istasyon. Bakit daw hindi siya gumawa para may makitang bagong palabas. Eh, paano siya gagawa kung hindi siya binibigyan ng project ng kanyang istasyon?
Kaya ito nakapagsalita ng ganu’n dahil pinababayaan na siya.
***
EMPRESS AT JOEY MARQUEZ, MAY MAY-DECEMBER LOVE AFFAIR
NAIIBANG May-December love affair ang ibabahagi ng “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN sa Sabado (Abril 12) tampok sina Empress at Joey Marquez.
Gaganap si Empress bilang si Jhenny, ang dalagang binalewala ang pagtutol ng karamihan at buong pusong umibig sa isang may edad nang bus driver na si Ernesto (Joey).
Paano tatanggapin ni Jhenny ang katotohanang ang lalaking inibig niya nang lubos ay pineperahan lang siya?
Tampok rin sa “MMK” sina Ynez Veneracion, Snooky Serna, Carla Guevara, Paco Evangelista, Louise Bernardo at Simon Ibarra.
Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel C. Naval, panulat nina Nikki Bunquin at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni “A” Marjorie Anne Maño.
Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na sina Cathy San Pablo at Niña Laureano Daynata.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag-log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ag @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang http://ift.tt/1fJBE52.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Semilya naburo sa freezer, Don Allado nag-alsa balutan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment