NALAGAS ang tatlong drug pusher nang makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang drug-bust operation kagabi ng pulisya.
Dalawa sa mga namatay ay ang drug pusher na sina Arola Yakob, alyas Tikoy at Eddie Arpa.
Naganap ang buy-bust operation alas-8:40 kagabi sa Purok 3, Muslim Village, Ilang, Davao City.
Ayon kay Police Senior Inspector Sagareno ng Bunawan PNP, isang poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa pushers ngunit nabisto ng mga suspek na police ang kanilang katransaksyon.
Tangkang manlaban ang dalawa ngunit naunahan ng mga operatiba na nakapuwesto na sa lugar.
Nabawi ng mga police ang dalawang armas ng mga suspek na kinabibilangan ng .38 revolver at .22 caliber pistol, shabu na nagkakahalaga ng P25,000.
Una na ring nabaril ng mga police matapos manlaban ang isang Vergelio Liguit, alyas Poloy, 40, ng Buhangin, Davao City sa buy-bust operation pasado alas-7:00 kagabi sa Damaso Suaso kanto Ponce St., Davao City.
Ayon kay Police Senior Supt. Vicente Danao, Jr., isa ring poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek ngunit nang mamukhaan nito na police ang katransaksyon nito kaagad itong bumunot sa dalang armas ngunit naunahan ng mga operatiba.
Nakuha mula sa nasawing suspek ang isang .45 Caliber Pistol, dalawang malalaking sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.00.
Matagal nang minamanmanan ang mga suspek bago isinagawa ang buy-bust operation.
The post 3 tulak lagas sa buy-bust Davao City appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment