Monday, March 2, 2015

Women’s month, binuksan na

NAGSAGAWA ng pagmamartsa ang ilang grupo ng mga kababaihan sa Cagayan de Oro City bilang hudyat ng pagsisimula ng Women’s Month ngayong Marso.


Sinimulan ang martsa sa San Agustin Cathedral at nagtapos sa Cagayan de Oro City Hall upang ipanawagan ang pagkakaroon ng gender equality at karahasan laban sa mga babae.


Bitbit ng tinatayang 500 babae na sumama sa nasabing martsa ang kulay pink na lobo na sumisimbulo sa mga babae.


Pagkatapos ng martsa, sumunod naman ang pagsasayaw ng zumba ng mga nagsidalo sa aktibidad na may temang “Juana, desisyon mo ay mahalaga sa kinabukasan ng bawat isa. Ikaw na!” JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Women’s month, binuksan na


No comments:

Post a Comment