LALARGA na ang nationwide march for justice para sa Fallen 44 ngayong Marso 8.
Mangunguna sa martsa ang alumni ng Philippine National Police Academy (PNPA) bilang hudyat sa 44-araw ng pagluluksa sa napatay na 44 Special Action Forces (SAF) members sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Ayon kay PNPA Alumni Association, Inc. chairman Tomas Rentoy III, isasagawa ito sa ilalim ng temang “Walk with the Widows, Run for our Heroes.”
Sabay-sabay itong isasagawa sa regional, provincial, city at municipal levels.
Lalahok sa aktibidad ang PNPA alumni, mga kapamilya ng Fallen 44, civic at religious groups, non-government organizations (NGO) at empleyado ng gobyerno.
Bukas din sa publiko ang martsa.
Sa National Capital Region, uumpisahan ang 44-kilometrong jog-walk sa Salitran, DasmariƱas, Cavite, alas-2:00 ng madaling-araw.
Destinasyon nila ang Camp Crame sa Quezon City saka tutulak ang mga kalahok sa Quezon City Memorial Circle kung saan may ecumenical mass ng alas-10:00 ng umaga. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment