Tuesday, March 17, 2015

Tserman, tigbak sa hit-and-run

BACARRA, ILOCOS NORTE – Patay ang isang barangay captain matapos ma-“hit-in-run” ng tatlong sasakyan sa bayan ng Bacarra sa nasabing lalawigan.


Kinilala ng Bacarra police ang biktimang si Bgy. Cadarapan chairman Felix Mendoza, ng nasabing bayan.


Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na umano ang biktima sakay ng motorsiklo nang mabundol ang niya tumawid na aso sa national highway.


Dahil dito, tumilapon si Mendoza sa gitna ng kalsada at tatlong sunod-sunod na sasakyan ang sumagasa sa kanya.


Ayon sa pulisya, wala ni isang sasakyan ang huminto para tulungan ang biktima na nagtamo ng matitinding sugat sa katawan.


Sa kasalukuyan, patuloy ang follow-up investigation ng pulisya ukol sa insidente. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Tserman, tigbak sa hit-and-run


No comments:

Post a Comment