Tuesday, March 17, 2015

Solon na humihirit ituloy ang Mamasapano investigation, dumarami

PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga kongresistang nananawagang ituloy na ang imbestigasyon ng Kamara sa Mamasapano incident na ikinasawi ng PNP-SAF 44.


Sa isang press conference, kinumpirma ng Independent Minority Bloc na nasa 126 na mambabatas na ang lumalagda sa resolusyong ituloy ang pagdinig sa Mamasapano incident.


Giit nina Reps. Ferdinand Martin Romualdez (Leyte), Lito Atienza (BUHAY Partylist) at Jonathan dela Cruz (ABAKADA Partylist), hindi nila papayagang magtuloy ang pagdinig ng Ad Hoc Committee on Bangsamoro sa pagtalakay sa Bangsamoro Basic Law (BBL) nang hindi ipinagpapatuloy ang imbestigasyon sa Mamasapano.


Sa ngayon ay nasa 39 miyembro ng Ad Hoc Committee sa kabuuang 75 miyembro ng komite ang lumagda sa resolusyong tutol na maipagpatuloy ang pagtalakay sa BBL nang hindi naitutuloy ang Mamasapano investigation.


Kasabay nito ay kinastigo ng Independent Minority Bloc ang Malakanyang dahil sa pang-iinsulto sa BOI report.


Ayon kay Romualdez, napaka-illogical ng palasyo para siraan ang BOI report matapos tukuyin ang responsibilidad ni Pangulong Aquino dahil ang gobyerno ang bumuo nito at nag-atas sa lupon para imbestigahan ang Mamasapano incident.


Nakakatawa ayon kay Romualdez na mismong ang Malakanyang pa ang nakiusap sa publiko na hintayin ang BOI report ngunit ito mismo ang bumaril sas report nang matukoy ang pananagutan ng pangulo.


Payo pa ng kongresista, sa halip na insultuhin ang BOI report ay makabubuting magpaliwanag na lamang si Pangulong Aquino kung bakit mas nagtiwala siya kay dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Commander Getulio NapeƱas.


Ang pagso-sorry aniya at pag-ako ng kabiguan ay mabuting simula na para makabawi si Pangulong Aquino sa pagbagsak ng rating nito sa pinakahuling survey. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Solon na humihirit ituloy ang Mamasapano investigation, dumarami


No comments:

Post a Comment