DAHIL sa kaliwa’t kanang reklamo laban sa towing services sa lungsod ng Maynila hinggil sa umano’y pang-aabuso ng mga ito sa mga motorista, nagdesisyon si Manila Vice Mayor at traffic czar Isko Moreno na suspendihin ang pagsasagawa ng towing sa buong Maynila.
Napag-alaman kay Moreno na kailangang sumailalim sa “briefing” at maiayos nang wasto ang mga pribadong towing company upang mabawasan ang pang-aabuso nito.
“Since last year, we have suspended 73 traffic enforcers and several towing trucks and personnel already but apparently, this is not enough so I have decided to temporarily suspend its operations,” paliwanag ni Moreno.
Ayon kay Moreno, agad nilang inaaksyunan ang mga reklamo laban sa mga enforcers at towing trucks ngunit tila walang epekto sa kanila ito dahil tuloy-tuloy pa rin sila sa kanilang pang-aabuso.
Aniya pa, napanuod pa niya ang mga viral videos kung saan sangkot umano dito ang traffic enforcer kasama ang ilang tauhan ng towing company at may mga paglabag sa mga guidelines na itinakda ng Manila Traffic Code.
“We will look into this at sisiguraduhin ko na papanagutin ang mga abusado,” saad ni Moreno. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment