TATLONG katao kabilang ang dalawang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nalagas habang apat pang iba ang nasugatan nang bumaligtad ang kanilang sinasakyang fire truck sa Davao Oriental, nitong Martes ng hapon (Marso 3).
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina FO3 Ludivico Ponce, FO2 Arnel Jon Angsinco, at si Mati City job order detail Nico Corambao.
Apat namang BFP personnels ang nasugatan at isinugod sa pinakamalalapit na pagamutan.
Ayon kay Supt. Aantonio Rivera, spokesperson ng Southern Mindanao regional police, naganap ang insidente dakong 1:30 nitong Martes ng hapon sa national highway ng Purok Tapul, Bgy. Tomoaong sa Tarragano town.
Bago ito, lulan sa isang trak ng bumbero ang mga biktima para rumesponde sa isang sunog sa Manay town nang biglang mawalan ng preno ang kanilang sasakyan.
Sa bilis ng kanilang takbo at sa katarantahan ng drayber, sumemplang ito sa kalsada at bumaligtad nang ilang ulit. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment