HINDI na nagising pa sa mahimbing na pagkakatulog ang isang 29-anyos na computer technician matapos matagpuang patay sa kanyang higaan nang malasing sa Sta. Cruz, Maynila.
Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Ariel Marjalino, may-asawa at nanunuluyan sa 2nd floor ng Gegula CMPD sa 919 Quezon Blvd., Sta. Cruz, Maynila.
Sa report ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 8:00 ng umaga nang natagpuang patay ang biktima ng kanyang roommate at kasama sa trabaho sa loob ng kanilang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Arvin Vinas, 21, kasamahan sa trabaho ng biktima, huli nitong nakitang buhay si Marjalino dakong 12:00 ng hatinggabi nang dumating ito na lasing at natulog.
Dakong 8:00 ng umaga nang ginising ni Vinas ang biktima para pumasok sa trabaho subalit napansin ba hindi na ito humihinga.
Ayon pa kay Vinas, high blood ang biktima at sa kabila nito ay mahilig pa umano itong uminom ng alak.
Wala namang nakitang anumang palatandaan na sinaktan o pinahirapan ang biktima, gayunman, inaalam din ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment