Wednesday, March 4, 2015

Kalaguyo ni misis patay kay mister

KASONG murder ang haharapin ng isang mister matapos mapatay sa saksak ang umano’y kalaguyo ng kanyang misis sa Bgy. Igpit, Opol, Misamis Oriental.


Ito’y matapos maaktuhan ng suspek na si Charlito Abalo ng Bgy. Agusan, Cagayan de Oro City ang asawa nitong si Maricel kasama ang 20-anyos na biktimang si Marvin Dinlayan na nakatira sa nasabing lugar.


Ayon kay PNP regional director C/Supt. Agrimero Cruz, Jr., hindi naman nag-atubiling aminin ng suspek ang kanyang ginawa dahil umano sa sobrang galit sa kanyang nakita.


Sinabi ni Cruz na sinundan umano ng suspek ang kanyang asawa kaya naabutan niya ito sa loob ng kuwarto na naka-underwear na lamang habang ang biktima ay naka-short pants na hindi naka-zipper.


Natuklasan din umano ng suspek na nagkaroon ng maraming ‘kiss mark’ ang kanyang asawa kaya hindi na nito napigilan ang sarili at tuluyang nasaksak ang biktima.


Hindi naman umano pinagsisihan ng suspek ang nangyari at nakahandang harapin ang kasong murder na isinampa laban sa kanya.


Nakatakdang dalhin ang suspek sa Misamis Oriental Provincial Jail (MOPJ) habang pending ang kinaharap nitong kaso sa piskalya sa lungsod. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kalaguyo ni misis patay kay mister


No comments:

Post a Comment