Wednesday, March 4, 2015

Krimen sa M. Manila, nangalahati sa loob ng 9-linggo

BUMULUSOK sa 50 porsyento ang krimen sa Metro Manila sa loob ng walo hanggang siyam na linggo.


Sinabi ni PNP spokesperson Generoso Cerbo Sa isang press briefing ngayong Miyerkules sa Camp Crame, na ito’y bahagi ng Oplan Lambat Sibat ng pulisya na layong mapaigting ang kampanya laban sa kriminalidad.


Mula Disyembre 2013 hanggang Hunyo 2014, mayroong 919 insidente ng robbery at theft, kasama ang pagnanakaw ng mga motorsiklo at sasakyan.


Pero ngayon, bumagsak na ito sa average na 442.


Bukod dito, ang physical injury-related crimes mula sa 183 incidents ay bumaba sa 116.


Pagmamalaki pa ni Cerbo, sa may 39 na wanted persons ay pitong kriminal ang naaresto ng PNP.


Dahil sa epektibo aniya ang Lambat Sibat, ay ikakalat na ito sa mga karatig-lalawigan tulad ng Region 4-A at 3.


Nakapaloob dito ang paglalatag ng mga checkpoint, patrol at pag-igting ng police visibility bukod pa sa mga intelligence-driven operations. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Krimen sa M. Manila, nangalahati sa loob ng 9-linggo


No comments:

Post a Comment