Tuesday, March 3, 2015

Street lights sa Macapagal Blvd., walang kuryente sa utang

MAGDIDILIM ang bahagi ng Macapagal Blvd. sa ParaƱaque City, mula sa parte ng Coastal Mall hanggang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil hindi pagbabayad ng PAGCOR.


Damay din sa power loss maging ang mga ilaw sa center island mula sa kanto ng Seaside Blvd. hanggang Buendia Avenue.


Ayon kay MMDA Traffic Engineering Center head Noemi Recio, sumulat sa kanila ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sabihing ititigil na nito ang pagbabayad ng kuryente para sa street lights sa nasabing kalsada.


Ikinatwiran ng PAGCOR na sa halip ay gagamitin nila ang pambayad sa kuryente sa mga programa para sa mga batang lansangan.


Dagdag ni Recio, una nang nakiusap ang MMDA sa PAGCOR na huwag munang ipaputol ang suplay ng kuryente sa lugar dahil magiging delikado ito para sa mga motorista.


Umapela na rin ang MMDA sa Manila Electric Company (Meralco) na ibalik muna ang kuryente sa lugar kasabay ng hirit na makipagpulong dito sa Huwebes upang matukoy kung sino ang dapat sumalo sa naturang bayarin. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Street lights sa Macapagal Blvd., walang kuryente sa utang


No comments:

Post a Comment