NAALARMA na ang Department of Justice (DoJ) dahil sa dumarami ang mga kaso ng “online sextortion” o sekswal na pangingikil gamit ang internet.
Sa datos na nakalap ni Justice Secretary Leila de Lima, patuloy na nadaragdagan ang mga natatanggap na reklamo ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na nagsasabing biktima sila ng “sextortion.”
Paliwanag ni De Lima, karaniwang gumagamit ng pekeng pagkakakilanlan sa internet ang mga “sextortionist” na nakikipagkilala sa sa target victim.
Kapag nakuha na nito ang tiwala ng target, hihikayatin nito ang walang kamalay-malay na biktima na gumawa ng mga sekswal na bagay habang kinukunan ang sarili.
Kinalaunan, gagamitin ng “sextortionist” ang mga larawan o video ng biktima para makapangikil ng pera.
Payo ni De Lima sa mga gumagamit ng internet, pangalagaan ang personal information at huwag basta-basta magtiwala sa mga estranghero. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment